Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2013

Coming Soon..:))

Isang kwento ng pag-ibig... tttteeeeaaasssseeeeerrrrr..:) Ang buhay, 'ika nga ay parang gulong na umiikot, ipapanganak ang sanggol, lalake, magkakamuwang, makikipagsapalaran, iibig, magkakapamilya, magkakasakit, tatanda, mamamatay. Isang siklo na walang pinagkaiba sa bawat tao. Pagkabuhay-pagkamatay. Ano nga ba ang mas matimbang sa dalawa? Wala sa dalawang salita ang sagot...nasa gitling. Isang aspeto sa pagtahak ng tao sa daang kanyang pinili ay ang umibig. Hanapin ang taong magbibigay ng kakaiba at mabilis na tibok ng puso. Ang taong magpapabago ng isip o iyong pananaw sa kasabihang 'love conquers all', ang taong iyong ittext ng walang sawa kahit kasama mo lang sya kanina, yung taong magbibigay sayo ng sobrang pagkamuryot at panggigigil na gusto mo na syang lamukusin sa inis na parang papel at basain para kusa na lang sya mapunit, pero patatawarin mo dahil mahal mo... Sya ang taong magbibigay ng iba't ibang kulay sa gitling ng iyong buhay... ---- *existe