Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2013

PAGBABAGO NG TINATAWAG NATING KALALAKIHAN

Nung mga panahong ako'y nagdadalamhati at di na ako nakakapag post ng kalokohan sa lugar na ito, may isang kapansin-pansin na ugali ang mga lalake sa panahong ito na aking ikinagulat. Noong unang panahon, itinuturing na ang mga kababaihan ang mahilig sa chismis, magkalat ng chismis, pag usapan ang buhay ng iba, at alamin ang pinakahuling balita tungkol sa kapit-bahay, katrabaho, kulasisi ng kapit-bahay nyo, kaibigan ng ninong mo, syota ng nakilala mong poser sa facebook. Ngunit sa henerasyog ito, ang paniniwalang ito ay pawang chismis na lang din.. Isang araw habang ako'y abala sa pag iisip sa bagay na bumabagabag sa aking isipan, narinig ko ang aking katrabaho kausap ang isa pa naming ka opisina na bagong dating. Kuya Toto: Oh, pare!kumusta? Anong bagong chismis? Kuya Butoy: Pare, alam mo ba yung taga-chukooo na babaeng sexy?.... (di ko na pinakinggan ang kasunod, baka magulat din ako sa binalita nyang may syotang shibuli bangbang yung sexy na babae na crush nila.:p)

NILUMOT.

Matapos ang ilang dekadang pananahimik, narito ay inihahandog ng Star Powers of Intergalactic Imagery of the Supersonic Megaloblastic Anemia in a Nutshell Among Many Reasons You Have to Leave the World of Idiocracy and ....wait a minute pwede bang pakiulit sabi ni Chito? Anong nangyare?Saan nanggaling ang lahat ng mga salitang aking nabanggit?Saang baul naibaon ang mga litratong dapat ay nasa social networking sites? May nababaliw..Na-excite sa pagbabalik...Akala ko nilumot ka na... In short: may ginagawa lang ako saglit kasi may iipost akong bago.:)