Skip to main content

EDSA...*BOW*

Sa buong buhay ko, minsan lang ako dumaan sa EDSA, maliban sa wala naman akong pupuntahan na kelangan dumaan sa napakahabang kalyeng ito, ay may mga bulung bulungan na isa itong haunted kalye..hahaha..joke lang..ako lang nag imbento nun..:) pero dahil may bago akong trabaho at kelangan kong dumaan sa edsa araw-araw..napansin ko na ang wonders ng Epifanio Delo Santos Avenue. Sa dalawang linggo kong pagtahak simula kamuning hanggang buendia, di ko alam bakit pabago bago ng pattern ang traffic sa edsa. kung di lang epifanio ang pangalan nya inisip ko ng babae ang edsa...sige..ituring na lang natin syang bakla..hahaha..grabe magbago isip nya, lunes.ang aga kong nag aabang ng bus...smooth..swabe lang..lunes pa yun ah!!ang saya ko lang nakarating ako ng mas maaga sa inisip kong oras ng aking pagdating.kinabukasan, same time ako umalis...bakit kaya ako na late?dahil madaming sasakyan sa pilipinas na di na kayang i accommodate ng mga kalsada sa kamaynilaan!!sabay sabay may lakad ng araw na yun.hay.di naman ako galit..nakakaloka lang talaga ang edsa..madaming namamatay.madaming naddisgrasya..madaming happenings lagi..parang party lang..ang pinagkaiba di lang talaga masaya..meron din naman mga happy thoughts dun..habang ako nasa bus minsan, trip ko umupo sa may bintana, kaya nakikita ko mga tao sa labas...mga lovers na nagkikita..dalawang tao na magkakabanggaan at magiging magkaibigan...sa kabilang banda.may holdapang nangyayare, mga motor na nangunguha ng mga bag o alahas na suot ng passerby..iba ibang mukha ng kalyeng to..
Dahil sa kumain ako ng pancit canton..nakalimutan ko na mga naisip ko tungkol sa edsa..punyemes..


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...