tapos na ang sona ni Pnoy, medyo late ko pa nga syang napanood dahil masigasig akong nasa ilalim ng arawan nun at tinatahak ang kahabaan ng commonwealth para makarating sa ospital na dapat puntahan, pero syempre di ako naglalakad!! Naka bus ako..init kaya..i'm not planning to be a daing..:) Anyway, simula pa naman nung unang sona ni Pnoy natuwa na ako di dahil sa laman ng kanyang talumpati ngunit dahil ginamit nya ang ating wikang pambansa. Wala nang mas tatamis pa kung kinausap mo ang sambayanang pilipino sa wikang kinagisnan nya. Dahil di lang sa isip nya tatagos ang iyong mga sinabi, kundi pati sa puso nya. Isa ito sa napansin kong stratehiya na ginamit ni Pnoy para makuha ang loob ng sambayanan. Pag ingles kasi ang ginamit mo, wow, heavy!!nakaka nosebleed pre! bibilib mga tao sayo, feeling nila ang galing galing mo, pero naintidihan ka ba nila? parang hindi naman..sa sona ni pnoy. may laman din naman, pero medyo may duda din ako sa mga surveys, o mga statistics na inihain nya...
A RECORD OF THOUGHTS. normal stories. bizarre ideas. questions in life, and all this mind can think of.