Skip to main content

LAHAT NG DAMIT BAGAY SA MANIKIN

alam kong medyo walang sence yung gagawin ko ngayon pero kasi, naisip mo na ba bakit lahat ng ilagay mo sa manikin, bagay sa kanila..:)) sa bagay pano nga naman bebenta ang damit kung hindi maganda sa display... pero minsan, naisip ko..binibili ng tao ang mga bagay na naka display kasi bagay ito sa ibang tao, o sa manikin, pero sa kanila mismo, naisip ba nilang bagay sa kanila? di ako nanlalait, minsan kasi ang pagbili ng mga bagay na di naman kelangan sa buhay ay epekto o impluwensya na ng media o di kaya g mga masasamang elemento tulad ng mga posters at mga kung anek anek na naka print at mukhang maganda... that's very bad.

pero sabi nga nila walang basagan ng trip, kanya kanyang diskarte sa buhay yan, e kesa madami silang pera pambili e di bilhin nila yang mga bagay na wala naman mangyayare kung sinuot nila, di naman mababawasan yung mga nagugutom sa pilipinas kung bumili ka ng pampaputi ng tuhod diba? di din naman magugunaw ang mundo kung bumili ka nito, ewan ko lang bakit kelangan ko pang sabihin tong mga to, wala din naman akong mapapala kung sabihin ko to lahat diba? e wala din naman makikialam sakin kasi this is a free country. may freedom of expression tayom tulad na lang nung nakaraang sona ni pangulogn aquino, na inulan ng papuri pero syempre di parin nawala ang mga anti pnoy..di ko naman sinasabing magaling si pnoy, namangha lang ako kasi diba ang bongga nung deal nya sa ibang bansa na mag export ng buko! punyeta anak ng buko talaga!!!!pero di naman ako sobrang natuwa, konti lang baka maging pro na ako nyan eee...

pero mabalik tayo sa usapan manikin. Ang manikin na sinasabi ko o ang tamang spelling ay mannequin ay isang salitang dutch na ang ibig sabihin ay little men. pero dahil sa nauso na sya ngayon na gamitin para ipakita na maganda ang mga benta ng isang store, nagkaron ng panibagong konotasyon ang salitang manikin, eto ay kahit anong hugis tao na dinadamitan upang magbenta ng mga damit, sumbrero, sabatos, at kung ano ano pa.

kugn tatanungin mo ako kung sino ang unang nakaimbento ng manikin, ay ewan ko lang., ayon sa aking masidhing pag sasaliksik, (ang pag click sa dalawang tabs mula sa libo libong resulta sa google) walang nakakaalam kung sino an unang nakaimbento nito, nagkaron lang ng gashion libong taon na at nag evolve (sige tagalugin mooooo) na lang sya..

Meron pa akong ibang napansin!!! eto medyo insulto kasi, hindi lahat ng tao ay perpekto pag binigay sayo lahat, sige ikaw na ang swerte.. pero sa mga tulad ko na medyo pinagmasamaan ng tadhana, ngumit na lang tayo at sabihin at least wala akong mabigat na dinadala. :) anyway, ang mga manikin nung unang panahon ay mostly babae, pinapakita nito ang "ideal beauty" na may "full bossom" ano ang bossom? ang hinaharap ng kababaihan.. hahaha.. bakit ginawang payat ang mga manikin? maliit ang baywang at katatamtamang laki ng balakang at may malaking boobs. hayst. di lahat ng babe ay ganito!!! kaya dapat gumawa din sila ng matabang manikin! isa din itong dahilan kung bakit  nagkakaron ng mababang self esteem ang mga babaeng medyo mabigat. kasi sa mata ng lipunan ang mga manikin na malalaki ang boobs at maliit ang baywang nag maganda.

Pero kung tutuusin, di ko din pipiliin na maging katulad ng manikin, kasi plastik sila, matigas, at walang puso!!..:))  rationalization ano? so what.. walang basagan ng trip..:p

sino kaya ang mananalong chief justice?? malamang isa sa mga appointee yan ni pnoy!! pustahan??:)

wakas.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...