Skip to main content

Alamat ng Lipistik


Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know.

Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job.

Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad!

Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick.
Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi ng kababaihan. Sa kasalukuyan, milyon milyong babae, at kabaklaan and nahuhumaling sa iba’t ibang kulay ng lipstick. Ano ng aba ang tagalog ng lipstick? Sabi ng google, lipistik. Walang kwentang translator. Leche. Pardon my French, nagiging French na kasi ata ako kakamura ko. Bilang naalala ko kasi si Bob Ong, at ang episode sa aklat nyang tinuruan nya yung kaklase nya kung paano ang tamang bagsak ng pagmumura. Poootanginuh! Ganon. Pero ako lang nagsabi nyan. Wag gagayahin sa bahay, nakamamatay.

So ayun nga, ang chismis sa alamat ng lipistik ay ganto, noong unag panahon, may isang batang lalake ang naglalaro sa kakahuyan. Ito ay panahon ng mga version 1.5 ng mga homo sapiens. Nangunguha sya ng mga kahoy para panggatnong sa lulutuin nilang crispy pata at spaghetti. Kaarawan ng kanyang kapatid na babae, kung kaya’t kelangan nyang damihan ang panggatong, at balak na rin nyang kumuha ng bulaklak para gawing regalo sa pinakamamahal na sibling. Itinali nya ang first batch ng mga kahoy at isinukbit sa kanyang balikat. Lumipat sya ng ibang branch ng punong Narra, para kumuha ng konti pang kahoy para sa gagawin nyang treehouse for his usa..in English, deer.

Oo nga pala, sorry, nakalimutan kong ipakilala ang ating batang lalake. Sya si Ishfishda. Anak sya ng isang pulitiko ng baybaying paparoon, sa bundok ng mga  Ish. Ang mga Ish, ay makabagong tribo, kung saan ay nakatira sila sa pinakamodernong bundok sa buong Himalayasburias. Lagi silang dinarayo na parang Enchanted Kingdom, dahil masyadong makabago ang facilities nila don. Si Ishfish, ay ang panganay sa tatlong magkakapatid. Pangalawa si Ishdangwa, at bunso si Ishkoolbus Mabuti at napakamapagbigay na kapatid si Ishfishda, matulungin din sa mga magulang at madaming tropa.

So balik na tayo sa kwento, kasi isang paragraph din yung naimbento kong intro. Naitali na ni Ishfishda ang pangalawang batch ng kahoy ng Narra, ng may narinig syang kaluskos sa damuhan sa likuran nya.

Kkkrrsshhhchk!!

“Ano itechiwa, ay sino itechi andyanee?”. Bading si Ishfishda, nakalimutan kong banggitin.

KKrrrookkksh  ssshhhrreeekkk ssshhk.

Natakot ang ate nyo. Pero bilang magiting na Ish, kinuha nya ang isang dos por dos na ipanggagatong nya, at hinawi ang damuhan. Nagitla sya sa kung anong bumalandra sa kanya.

Nakita nya ang isang cute na cute na, fluffy creature, na sabihin na nating, mukang care bear ang muka, pero ang katawan nya ay pink na baboy, piglet pala. Tapos may pakpak na pang querubin. Angelic. :)
Ngumangasab sya ng prutas na di nya kilala. Bagong breed. Mapula ito at makinang. Lumingon ang creature sa kanya, napatigil sa pagnguya. Nakita nya ang bibig ng creature na nagniningning sa sinag ng araw. Napasigaw si Ishfishda.

AAAAAAAAHHHHHHH!!!

Sumigaw di ang Victoria’s Secret Angel na piglet.. WEEEEEENNNNGKK WAAAAAAANGK!!!!! Sabay kumaripas ng takbo.

Since umalis na yung VS piglet, nilapitan ni Ishfishda ang prutas at dinampot. Muka itong manga, pero kulay pula. Wala itong buto  Bilang hindi naman maselan si Ishfishda, at sobrang curious nya. Napansin nya ding may nakasulat na Eat Me sa red mango. (Wait isip muna ako anong pangalan ng prutas.) Hinagkan nya ito at tinikman!

Eeeeew, lasang adobong kambing. Ah tinga pala nung VS piglet. Kumagat sya ulit.
Matamis ang prutas, may kaunting pait habang ngingunguya, para syang langka in texture, pero amoy durian na very subtle.

ANSARAAAAAAP! Nahulog ang mga bituin sa kalangutan at napunta sa mat ani Ishfishda.

‘Isa itong himala! Kelangan ko ichika kay Ishbolan ito!’ Si Ishbolan ay jowa ni Ishfishda. Maagang kumerengkeng ang lola nyo. Pero hindi alam ng kanyang pamilya dahil itatakwil sya ng PNP chief na ama nya. Kumaripas ng takbo si Ishfishda at natagpuan si Ishbolan sa tabi ng sapa, kumakanta ng This Feeling, bagong kanya ng Chainsmokers.

‘Ishbolan bebe! Kelangan mo matikman ang napakasarap, parang hulog ng langit at impyerno sa sarap. Parang may nagppulutpukyutan sa aking bibig habang kinakain sya!!’

Ang susunod na program ay may temang nangangailangan ng patnubay ng magulang.

Kumagat si Ishfishda sa prutas at inabot ang natira nyang one bite kay Ishbolan. Sabay nilang nilasap ang linamnam ng..

“Durmang!!”

“Huh?”

“Oo, Durmang ang itaawag natin sa prutas na ito..at maari natin itong ilagay sa magandang lagayan, at itago sa ating tribo, dahil baka ubusan nila tayo.”

Bumalik ang mag shota sa kakahuyan at hinanap an puno na pinagmulan ng Durmang. Dahil mali ang hinahanap nila, di nila nahanap agad. Dahil hindi ito puno, isa itong shrub! Na kasing laki lang ng infant. Since infant yun, nakahiga sya. So parang kalabasa na gumagapang. Vine pala. Taena. Wrong info.

Nakita na nga nila! So iba ibang kulay pala yung prutas. At iba iba din ang intensity ng lasa at amoy. Dahil maging na entrepreneur ang magjowa, nilagay nila ang mga katas ng prutas sa malaking kawa oer color, at inihalo sa mga essentials oils and glitters, ant pinatuyo sa arawan. Naging hugis stick ang mga ito, at ginadahan nila ang packaging. Nang nasiyahan ang dalawang bakla sa naimbento nila, ipinahid nila ito sa pisngi nila. Bonakid! Batang may laban!

Dahil hindi naman ata maganda na pisngi ang makatikim sa lasa ng prutas, sinubukan nila ilagay sa lifs! Bayolet kay Ishbolan, at pink kay Ishfishda.

“Ansarap ng lasa, pati ang ganda sa labi, nakaka moisturize, plus! Maganda shade netong sakin.”

“Tignan natin kung mag sstain or mataanggal sya padampi sa ibang bagay ang labi mo”.

Syempre pag kissproof, mas mahal nila to mabebenta, at dagdag attraction yon sa marketing ad na kanilang gaawin. Nagkatitigan ang dalawang Ish na creatures, naglapit ang kanilang mga muka..
Ang pelikulang ito ay nahatulan na R18 ng MTRCB. Manong lumabas ng bulwagan ang mga kabataang nagkaaedad na 10 pababa.

So ayun..naglampungan sila, at nagging saksi ang mga damo, kuliglig, at mga gulayan sa kagubatan.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, swabe! Hindi nabawasan ang tinta sa kanilang mga lifs! Kissproof mga mamsh!

“Tawagin natin itong  Labistick”

“Shushal tayo babe, lips dapat, lipstick”

“Magtanan na tayo babe. Magpakalayo layo at ibenta natin ang mga lipstick sa mga malls sa future!”

“Paano ang kaarawan ni Ishdangwa? Magluluto pa ako ng crispy pata at spaghetti.”

“Bebe nung isang lingo pa ang birthday ni Ishdangwa!”

“Ha??? Ganun na ba tayo katagala ditto sa gubat? Naku papagalitan na ako sa amin! Halika na umalis na tayo!”

Sa pagalis ng dalawa nating bidang bakla, bigla silang nakarinig ng putok ng baril..sinundan ng kanyon, chaka ng nuclear bomb.

Namatay sila. Ang masaklap na pagtatanan ng sinaunang badings.

After 129 years, may isang magandang babae na archaologist na naghuhukay matapos maligaw sa disyerto. Naka heels sya at naka gown, pang Downy commercial. Habang sya ay abala na iniisip kung mahahanap ba nya ang Yamashita treasure, may nahawakan syang isang baul! Mabigat, kulay metallic pink and violet ang baul. Pagbukas nya dito..

“ANG DAMING LIPSTICK!!! Ohmaygaaaaad, yayaman na ako!”

Pero saan nya ibebenta ang mga lipstick na ito, kung ang babaeng naka discover ng kayamanang ito ay nasa gitna ng disyerto? Kung paano sya napunta don, walang nakakaalam. Nananatiling misterioso ang kaganapang ito. Buti na lang, may LBC! Hari ng padala!

 Pina air freight nya ang kayamanan ng lipstick, at ang lipstick na mismo ang nang invade ng kalakalang galyeon. Lumaganap ang paggamit nito sa buong mundo, at maraming gumaya ng mga ito. Nagkaron pa ng ibang chismis na ang source daw ng lipistik ay sa kaliskis ng isda. Pero ngayon, alam na natin na sa prutas na Durmang ito nagmula.

Hanggang ngayon ay nabubuhay ay legacy na iniwan na sinaunang bakla na nabuhay sa kagubatan para sa larangan ng lipistik.

Kung nasan man ang kaluluwa ng magjowang bading sa ating kwento, for sure ay masayng masaya sila sa adbokasiyang kanilang sinimulan na..”there’s no such thing as having too many lipsticks”.
At yan mga bata, ang ginawa ko sa kalahating araw ng Friday sa opisina. Wal padin akong na eendorse na candidates sa mga kliyente ko. Inuna ko talaga ang alamat na to.

Happy weekend!



Comments

Anonymous said…
I couldn't understand the gist of the story except the numerous gay lingo words attached to every sentence(which i find funny) or repetition of the word lipstick every 2 or 3 phrases similar to a cuttlefish when they bait their prey using their gills presenting disco lights to redirect the attention and then they strike violently! That's where i died hehe.It got more interesting on the sound effects you produced in your head. Continue to write more which is your gift---you must continue to nourish this, Thanks!
RV said…
That's how the alamat works..well, my alamats. I have another 1 or 2 ata. But i did those a long time ago. Buti pala nagbabasa ka ng Tagalog. I am honoured binasa mo ng buo yung alamat ko. Sana the sound effects you imagined were as intense as I intend them to be. Hahaha. Matindi yon!nakamamatay! Thanks din, kahit di ko alam bat ka nagpasalamat. Hahaha

Popular posts from this blog

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...