Skip to main content

The Era of Concubines and Incest


“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong eskandalo, kapag walang ganito kasi hindi sikat. May point. Di naman din kasi sisikat at nag Boleyn sisters kung di inagaw ng isang kapatid si King Henry. Sulutan lang yan!

Matapos natin maglakbay sa history, nasa 21st century na tayo. Uso padin ang mga kabitan escapade. Sa tv, The fierce wife; meron masayang mag asawa, umeksena ang pinsan ng babae dahil walang matitirhan. Inakit nya ang lalake, si lalake nagpatukso na inlab sa pinsan ng asawa nya. Nag divorce ang mag asawa, nag sama ang kabit at lalake. Yan ba ang dapat ipakita sa mga batang nanonood?kahit sabihin mo pang nag warning sila ng Parental guidance masisiguro ba nila yun? Oo wala silang liability dun dahil may warning, at responsibilidad ng mga magulang yun, pero isipin sana nila na sa hirap ng buhay ngayon, silang mayayaman na istasyon e wala ng ginawakundi magpalabas ng malalaswa at kabit kabit na programa at yung mga magulang na sinasabi nilang gabayan ang mga anak e nagttrabaho may makain lang sila. Utak naman sana nila ilagay sa ulo wag sa talampakan. Wala na bang ibang magandang ipakita? Yung may moral values, mga kabutihang gagayahin ng mga bata.

Nakerid away ako. Anyway, sa isa pang programa, magpipinsan sila, yung nawawalang hinayupak na babae e nakipag ‘shooting’ sa pinsan nyang may gusto sa kanya. Tapos yung isa pa nyang pinsan nag seselos kaya pinapahamak yung dalawa. Ang sakit sa brain. Pero, masakit man sakin, ang mga ganitong programa ang tinatangkilik ng mga tao. Ngayon, may bagong pelikula na may mag asawa na naman! May babaeng sexy natipuhan yung lalake, sabi pa nya no expectation, no strings attached tas sa hulieemote sya na nagmahal lang sya, at unfortunately yung taong pinaka mamahal nya e may asawa. Anong sense? Kung alam mo ng may ka relasyon na yung tao bakit mo pa itutuloy ang pakikipag laro mo sa kanya? Oo, hindi napipigilan ang puso, pero hindi masamang gamitin ang utak. Kaya nga ginawa yan na mas mataas sa puso e kasi dapat yan ang unang ginagamit lalo na pag kelangan mong gamitin talaga. Ang puso, may mga bagay na dapat pag gamitan nyan, pero hindi sa lahat ng oras e dapat sundin yan. May mga bagay na dapat I sacrifice para sa kabutihan ng nakararami. Ang problema sa issue na ito e yung self-centeredness ng mga tao. Innate sa tao na unahin ang sarili bago ang iba, pero sa survival stage lang naman yan, hindi sa pag-ibig. O pag-ibig nga ba? Lust. Yan naman ata ang pinaka dahilan e, kaya mag nagpapa-kabit. Think about it, nangangaliwa ang isang tao kapag hindi kuntento sa asawa. Di ko nilalahat, dahil ang iba e hindi lang naman sex ang habol. Pwedeng pera? Pero hindi e, yung excitement DAW na may tinataguan ka habang ginagawa ang mga makamundong bagay ay isang maituturing na nagbibigay ng adrenaline rush. Tao nga naman! Hindi na lang puso ang ginagamit sa pag iisip, pati ibabang bahagi ng katawan nag sasalita na din.

Bakit to tinatangkilik ng tao? Para makakuha ng tips paano makalusot! Pilipino talaga, creative! Nakakagigil sa tuwa e. J

Wala akong galit sa mga ganitong tao, nagtataka lang ako bakit sila ganun. I’m not rejecting the person per se, but the behavior is what I’m pointing out that is wrong. Big difference. 

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...