Sa buhay, alam nating lahat na may hangganan. Pero ang hindi natin alam, hanggang kelan..kung iisipin mo, ang katanggap tanggap na edad para mabura ka sa mundong eto yung mga panahong , uugod, ugod ka na..dahil, nabuhay ka na ng maraming taon at marami ka ng bagay na natamasa at naibahagi sa buhay mo. Pero ang mawala ka sa lugar na kinatatayuan mo ngayon, ng 19 years old??hindi ata masaya yun. Alam kong may sariling isip ang mahal kong pinsan para gawin kung ano mang naisin nya, buhay nya yun,may sarili syang pag iisip kung ano ang tama at mali. Ngunit, sa mga panahong madilim ang kanyang pag iisip, may sakit na nararamdaman sa puso nya at galit na di nya kayang pigilin, ano bang madaling pag alis sa mga problema? Sapat bang kitilin mo ang sarili mong buhay para instant wala ka ng problema? Ang masakit , ni hindi sya nakakitaan ng kahit anong sign na sya'y naghihirap. Isang masayahing pinsan, makulit na kapatid, sutil daw sya kadalasan, mahilig tumawa, gusto nya masaya ang mga tao sa paligid nya. Madaming nagmamahal sa kanya. Bakit nya yun magagawa?sagot. pag-ibig.(NAPUTOL YUNG ENTRY kO!)
Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...
Comments