Skip to main content

BABAE NG PANAHON KO

Sa panahon ngayon, pag pinag usapan ang tao, may apat na klase nay an; babae, lalake, juding at shiboli. Pero, naisip ko dalawa padin yun, kasi yung isa nagpapanggap na babae ang isa e nagpapanggap na lalake. So, sige dalawa lang; babae at lalake kasi ayun lang naman ang ginawa ng ating Creator. Ngayon, ang gusto ko lang naman isulat ay tungkol sa kababaihan at ang mga ‘kapansin-pansin’ na mga characteristics nila. Dahil usually, English ang mga ganitong topics, ginawa ko ng tagalong para mas cute basahin. Una, ang mga bagay na mababasa dito ay observations ng mga kalalakihan na nagbibigay sa kanila ng malaking katanungan bakit ganun ang mga babae. Susubukan ko lang bigyan ng rationale. At wala akong intension manira ng tao, I am simply stating my views and I have my freedom to express myself.:)

Di ko alam pano to simulan pero sige, ganito na lang. Imagine: Nasa jeep ka, sa pagkakaupo mo, iba iba ang iyong makakasama…at hinding hindi mawawala ang mga mag-ddyowa. Kasama na yan sa pagsakay ng jeep. Pag dumadating ang hapon o malapit na mag-gabi, ang isa sa kanila ay aantukin. Pero kadalasan, ang aantukin ay ang babae. Sa gitna ng byahe nila, sasandal ag babae sa balikat ng kanyang labidabs. Ilang minuto, medyo mag-iislayd ang ulo nya. Syempre! Sasaluhin ng kanyang minamahal at aayusin sa pagkakasandal. Ang tanong: tulog nga ba ang babae? Inaantok pwede, pero tulog? Hindi ata? Sa buhay pag-ibig, aminin man natin sa hindi, gusto ng bawat mag ddyowa na lagi silang magkadikit. Wala akong ibang ibig sabihin dito, lalong lalo na tanggalin sa isip ang kaberdehan. Ang pagsandal sa balikat ng iyong minamahal sa pampublikong sasakyanay, para sa iba ay nakakairita, sa mga kapwa in love understandable, sa iba naman e normal na sa mga kabataan yan ngayon, ang sa iba e naiinggit pa. Depende na sa tao kung ano ang tingin nya dito. Sa tingin ko, dalawa lang ang dahilan ng sobrang pagka antok ng kababaihan pag sila ay nakasakay sa jeep o sa kahit anong sasakyan; dahil inaantok sila, gusto lang nila sumandal at dumikit, gusto nila mag imagine (hhhmmmm…) o dahil wala lang gusto lang nya mang-inggit ng mga single.

Sa usaping jeep, may isa pang observation ang isa nating kaibigan. Sa bawat pagsakay daw nya ng jeep e hindi mawawala ang babaeng akala mo sya ang may-ari ng jeep o di kaya e dalawa ang seats na kanyang binayaran. Kung makaupo e akala mo sinlaki ng QC circle ang pwet nya. Bakit may ganitong tao? Unang una, ang mga babae ay may mga style ng pag upo. Meron upon a pa-demure, upong siga, upong walang pake sa mundo kahit nakabukaka at mga upong mayabang. Iba-iab ang ugali ng tao, kung feeling nya e karapatan nya na makaupo ng ganun e wala tayong magagawa, naninirahan tayo sa bansang demokratiko. Maari mo syang sawayin dahil may pinaniniwalaan ka din na P8 ang iyong binayaran kaya dapat ay makaupo ka din ng matiwasay. Ang isip ng isang tao, lalo na ang mga babaeng ganito ay spoiled brat siguro, na kahit sa pampublikong sasakyan e gusto ipahiwatig sa iba na anak sya ni kagawad at walang paki ang iba kung ganun ang upo nya. O di kaya… nagpapa-pansin lang?

Pag usapan naman natin ang pagligo, pagbibihis, pag aayos ng mga kababaiha, para medyo cute na at magaan ang pag uusap. Sa pagligo, may mga kilala din akong kalalakihan na matagal maligo pero ordinaryo na itong napapansin sa mga babae. Bakit nga ba matagal maligo ang babae, e di hamak na mas maliit ang skin and body surface nila kesa mga lalake. Mapapansin na sa telebisyon, radio at sa lahat ng nasasakupan ng media ay puro ads ng mga produktong pampaputi ng tuhod, siko, kilikili, pampadulas ng buhok, pampa bango at kung ano ano pa. Karamihan dito, ang kanilang target population ay babae. Kasi, may innate kaartehan ang babae, lalo na sa katawan. Nagtataka din ang ilang mga lalake kung bakit laging mabango ang babae. Dahil siguro sa pinahid nyang coconut oil. Iba iba ang sikreto dyan.:) Sa pag aayos, ganun din, ang mga babae ay gusto lagi silang maganda, kaya may tinatawag na make-up para gumanda o ma enhance pa ang kagandahan. Simple. Sa pagbibihis, papasok dito ang pag dedesisyon kung bagay bas a kanila, maganda ba ang kulay ng damit sa skin nila, kung tama ba para sa okasyon, kung magugustuhan ng ka date nya, kung mag sstand out ba sya sa crowd, o depende sa mood nila. Alam ng marami na pabago bago ang isip ng babae na sa panahon ngayon din a ako naniniwala sa kasabihang ito, dahil mas adik pa magisip ang lalake at di sigurado sa sarili. Pero madalas padin na parang panahon sa Pilipinas ang isip ng girls.:)




Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...