Ang tagal na nito friend! Hanggang kelan ba to pag dedebatihan (debate ang sinasabi ko dito ah)? Kung si Miriam lang presidente nakoooo! Sana nga! Pero dahil ngayon ay hindi, pag usapan na lang natin ang RH Bill. Ang huli kong nabasa e ito, ‘Masturbation is not murder’ sabi ni Miriam Defensor-Santiago kay Juan Ponce-Enrile. Kasi sabi ni Enrile, sperm and egg cell already has a life on their own. Alam naman natin na ang nagsusulong ng bill na ito ay si Santiago at kasama nya dito si Pia Cayetano. (wala talaga akong galang sa mga senador?) Ayun nga, kaya sinabi ni Santiago na hindi naman murder ang masturbation dahil, in order to create a life, fertilization needs to take place. Kelangan ng union ng sperm at egg para masabing may buhay na nabuo. May point naman si Santiago e. Di lang siguro masyado naka-aral ng Anatomy and Physiology si Enrile. Samantalang ang senador na gusto ko sana maging presidente e inanalyze nya ng husto ang puntong gusto nyang isulong. Sa totoo lang gusto ko ang konsepto ng RH bill, maganda ang layunin nya na tulungan ang mga Pilipino na wag masyado lumobo sa populasyon, dahil hindi naman tayo mayamang bansa para ma-sustain lahat ng bibig na dapat pakainin, utak na dapat lagyan ng kaalaman, at buhay na kayang iligtas sa oras ng krisis. Isa akong katoliko, ngunit sa usaping ito, binigyan tayo ng ating Diyos ng kalayaan sa pagpili sa tama at mali. Ang bagay na gustong ipahiwatig ng bill na ito ay napaka liwanag. Mabuting pagpplano sa pagkakaroon ng pamilya, pangangalaga sa kababaihan sa kanilang pag bubuntis at pagkapanganak, ilan lamang ito sa sakop ng bill na ito. Ang paggamit ng contraceptives ang pinaka kontrobersyal sa bagay na ito, bakit? Dahil ang sex ay sagrado at isang daan para umusbong ang buhay. Pero bakit ka gagawa ng buhay kung di mo naman kayang suportahan? Ikaw pa mismo ang papatay sa binuo mo dahil di mo kayang pakainin, pag-aralin at dalhin sa maayos na ospital. Ngunit, isa punto kung bakit ayaw kong matuloy na batas ito ay dahil malaking pera ang ilalabas ng gobyerno para maisakatuparan ito. At alam na alam naman natin na ang mga tao sa ating gobyerno ay gahaman sap era at mga korap korap!! Anong mangyayare sa budget? Baka magamit pa yan sa pagbili ng bahay sa ibang bansa! Pambababae, pagpatay sa mga taong magbubunyag ng kanilang sikreto na akala mo di naman alam ng marami at higit sa lahat baka magkape ulit ang PAGCOR ng worth 1B php..:)) peace.
Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...
Comments