Skip to main content

LISTEN. LAUGH. SAVE them on your MEMORY Bank!

Bago ang lahat, may gusto akong sabihin, ang mga nakalagay dito ay hindi panlalait o kahit anong uri ng paninira sa mga taong napag rinigan ko neto. Ang akin lang naman e, pinasaya nya ang araw ko, tumindig ang aking mga balahibo ng aking silang marinig, tumaas ang aking blood pressure nung sila ay aking maulinigan at kinilig ako sa di maipaliwanag na paraan. Kaya heto na, simulan na natin…

Simula ng tumira ako dito sa Lungsod ng Maynila e takot na talaga ako sa Quiapo. Hindi ko rin alam ang dahilan pero pakiramdam ko ito ay isang mundong iba sa aking kinagagalawan ngayon. Pupunta ako sa Intramuros noong araw nay un, sumakay ako ng may Pier 15 na nakalagay sa jeep. Habang papalapit kami sa Quiapo konti na lang kaming pasahero ng naturang jeep, at ng tumapat sa Quaipo church binggo!! Ako na lang ang nasa jeep, kaya binalik ni kuya ang bayad ko at sabi nya bumaba na ako at sumakay sa ibang jeep. Bumaba ako na may takot sa aking dibdib. Tumingin sa paligid, bumilis ang tibok ng aking puso, pinawisan ng malagkit kahit umagang umaga palang. Luminga-linga ako at naghanap ng jeep papuntang pier at sa di kalayuan may nag aabang na jeep para sakin..:) Dali dali akong lumapit ngunit bago pa man ako makarating sa jeep, may sumisigaw na ale…”aaaahhhh, REMEJOWS!REMEJOWS! lalakad na lalakad na REMEJOWS!!” Napaisip ako, unang una ang jeep ay hindi naglalakad, tama ba? At ang lugar na kanyang sinisigaw ay Remedios.:)

Isang gabi na naghihintay kami ng aking kaibigan sa isang kapihan. Iniisip naming ang titulo ng isang palabas na may triplets. Teleserye yun dito sa Pilipinas. Nang dumating ang isa pang kaibigan tinanong nya ito:

Ed: Uy Anne!!Anong title nung palabas na may talong kambal??

Seryoso sya. Nagisip si Anne. Nagsabi ng title. Nagisip ako. Tatlong kambal…anim yun diba? E tatatlo lang naman yung bida dun!! Tumawa ako ng walang sisidlan!!:)

Ang susunod na eksena ay sigurado baradong lababo makaka relate ka!! Pansinin ang flow ng usapan at ang mga sagot sa mga matitinong tanong.
Tinext ako ng isang kaibigan. Magkikita-kita kami ng mga kaklase.
Luther: Asan ka na?
Rv: Naglalakad.
Luther: Saan nga?
Rv: Papuntang school.
Luther: Alama kong papunta kang school, ako din naman papunta dun. Ang gusto kong malaman saang lugar ka na ngayon?

Ako ang taong matinong kausap. Pero sa seryeng ito. Kayak o bang panindigan ang nauna kong sinabi?:/

Ang kwentong ito ay naayon sa experience ng isang kaibigan. Bago lang si Jp sa kanihasnan ng Maynila. Sa Quezon City pala. Sumakay sya ng jeep, nakinig sa mga tao. Nagfafamiliarize sya sa lugar at mga bagay-bagay.
Isang pasahero: Ma, bayad po.
Driver: Saan to?
P: Welcome.
Bilang baguhan sa siyudad na ito nag isip si Jp at nag isip.
Jp: Wow, ang babait pala ng mga tao dito, wala pang thank you may WELCOME na agad.!ayos!

Ayos ka pareng Jp!!Isa kang huwaran na ehemplo sa kabataan.!mabuhay ka!:)

Sa isang pag kkwentuhan, nabanggit ng isang kaibigan: “meron akong “bracelet” na shoe lace!!”
Bilang isang magalang na kaibigan sumagot si Mon: “ano yun shoe tie?”
Unang una, di ko alam ano ang kanyang ibig sabihin. Ikalawa, ang tanging nagawa ko na lang ay maglupasay sa kalsada at tumawa ng walang humpay!!

Naisip ko bigla ang nakasabay ko sa jeep isang hapon… Alam kong kasapi sya ng lahi-ng-dumadami-ngunit-di-naman-nangananak, ako ay tahimik na namamasyal sa aking thoughts ng bigla syang kumanta…” don’t wanna wake up alone anymore..all the love in the world..”
Na-shock ako.Di alam ang gagawin. Yumuko at nag wish na sana sa aking suliranin ay hindi lumabas ang hangin na aking pinipigilan sa ibabang butas ng aking katawan.

Ulit. Ang kwentong ito ay di akin. Naikwento lang ito ng isang kaibigan na sa sobrang kasiyahan ko e naiyak ako sa kwentong ito.
Sa household ng Falcon family, masaya silang nag uusap usap, ng magawi ang kanilang topic sa sikat na football team. Azkals. Kilala natin sila diba? Ang sikat sa kanilang lahat ay si Phil Younghusband. Nagsalita ang kuya na si John Paul: “Di naman sila lahat pure Filipino e! yung iba, FIL- Australian, FIL-German…” kung susuriin tama naman si kuya John Paul. Ngunit sa kabilang banda sumagot si Badek!
“Ah, lahat sila FIL ang pangalan?”

Sa pagkakataong ito, tayo’y tumahimik at mag alay ng konting kanta sa kwentong ito!!:)

Ang ating susunod na kwento para sa araw na ito ay ang aking magiting na kapatid.
Mahal na mahal ko sya at dahil lab ko sya,eto ang kanyang kwento.
Isang gabi na kami ay nakaharap sa tv, ang gaganda n gaming pwesto.:) Ng biglang nagtanong ang aking kapatid.
Grace: ate sino si MANILYN MONROE?
Ako: *nag isip*. Diba Marilyn Monroe yun????
Sumagot sya ng “ah”. Saka ako tumawa ng malakas.:)


Sa isang programa sa tv na may hulaan portion. Di ko to kayang makalimutan dahil pinaiyak din ako neto!!

Contestant 1: kulay green?
C2: OO!!!!
C1: SANTOL!!!
Kaibigan!kelang pa nagging green ang ssantol?? Haaay.

Sa mga panahong mainit at kelangan lakarin ang mga bagay dahil di ka na studyante, ang tangi mong sandata sa kainipan ay ang iyong mga kaibigan.:)
Dahil ‘orange egg’ ang tawag ni Nik ay napa comment ako.
Rv: yung malaking itlog kwek-kwek, yung maliit tokneneng.
Trina: aaahhh!!hindi bay un mani?diba mani yung tokneneng? Yun yung brown!

Dear dear dear. Hahaha..sa talino mong yan.nakuuuuu!haha..ka-kyut mo.namimiss tuloy kita.:)

Same day ng nauna sa itaas. Nagbayad kami sa cashier ng PNA, sila dear binigyan ng green paper na may history ng pna tapos ako hindi. Sabi ko kay nic ihingi nya ako. Kami ay nasa opisina ng Philippine Nurses Association Inc. Tas eto ang sinabi ni Nik!!
Nik: ate!pahingi nga ng history!
Haaaaayy..nik nik nik..ang sakit mo sa brain!:)

Pauwi na kami! Di naming alam ang sakayan papuntang quiapo. Nagtanong si Nik sa ale sa daan…
PAALALA: kung may sakit ka sa puso o kahit anong karamdaman sa baga please.maawa ka na sa sarili mo.Please!!wag mo na ituloy ang pagbabasa…hhhmmm..bahala ka.nag warning ako ha.
Nik: ate saan po sakayan ng QUIAPO?
Ate: pangalawang kanto sa may 711.
Nik: ah, eh, ano pong nakalagay?
Ate: (tumingin kay nik, kumunot ang noo, pati ang kanyang ilong) QUIAPO, meron pa bang iba??

Sumakit an gaming mga neurons, at muntik na kami magka kidney failure sa usapan nila ni ate.mabait naman si nik e, nagpasalamat naman sya kay ate.hahaha.:)

Di ko alam pano ko to isa-paparagraph (shet!!) pero kasi nakakatawa!

Nag uusap kami sa bahay nila anne, tungkol sa mga susunod na mag bbirthday sa aming pamilya. Napunta sa mga year of something ang usapan.
Rv: si joy feb sya..
Anne: ah year of the pisces!!

Gusto kong pigilan ang aking sarili sa pagtawa dahil seryoso si Anne. Tas sumingit si Mik. Year of the chicken daw!!!juskooo..gusto ko na mag bigti. Pero di pa tapos si anne! Humirit pa sya. Year of the carabao pa daw..

Ang kaibigan.BOW.

Isang araw ulit na nasa pugad kami nila Palkon. Habang kami ay namamapak ng paborito naming popcorn nag ring ang telepono.

Rv: Oi Anne may tumatawaaaaaag!
Anne: (seryoso ang kanyan mukha) oh anong sabi?

Waaaaah..nag tumbling na lang ako…ang sakit mo sa ovaries anne!!:) aylabyu!

Sa buhay, di dapat puro aral.trabaho.kelangan ng mga ganitong pagkakataon upang gumaan ang buhay. Ang mga ito ay hindi tanda ng mababang kapasidad ng ating pag iisip. Isa itong repleksyon na tayo ay may mataas na kalidad ng SENSE of HUMOR!!!:))
Itaga mo yan sa bato!

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...