Skip to main content

STAIRWAY TO WHAT?

Man is a social animal. Sabi yan sa mga libro at kahit saan. Dahil dyan may sasabihin ako dahil sa nakita ko. Walang relasyon ito sa gusto kong sabihin, gusto ko lang isama yun para kunware magaling.:) Sa isa sa mga araw na ako’y masayang naglalakad sa mall na sikat sa gawing araneta, cubao. Sa lahat ng malls, di mawawala ang escalator, bibihira ang elevator at kahit anong building pa yan may hagdan yan! Aakyat ako…dismayado ako ng Makita kong di gumagana ang escalator na paakyat malapit sa fullybooked. Iniisip ko kung dadaan ako sa kabila o maghahagdan na lang ako na katabi lang naman ng escalator na sinasabi ko. Kung tatanungin ako, ayoko kasi umaakyat o bumaba sa escalator na di umaandar, di ko alam bakit, basta di ko lang feel. Di naman kasi talaga yun ang use nya e. So yun nga nag hagdan ako! Mapapansin, di lang naman ako nakakapansin nito, ikaw din at lahat ng tao, at minsan siguro sa buhay mo, ginawa mo rin to! Yiheeee.! Di mawawala sa hagdan ng isang mall, ang mga lovers na nakayuko at nag uusap na akala mo wala ng space na natitira sa mundong ginagalawan. Kung mag kilitian akala mo e nasa bahay lang na nakaupo sa sofa. Pero wala naman akong sinasabi against it, napapansin lang at nababanggit lang. Bawal magalit. J Anyway, ayun nga, naghagdan nga ako diba, tas nadaanan ko ang isang magkasintahan na tila may lover’s quarrel. Masasabi mo naman na nagaaway sila kasi yung mukha nung babae hindi mo alam pano I describe at ang mukha naman ng lalake e apologetic. Di ko sila tinitigan, excuse me, isang glance lang ang kelangan ko para masabi ano ang nangyayare. Predictable ang mga lovers kung minsan.:) Gusto ko sana mag stay at matunghayan ang kanilang napipintong pagbabati, pero di pwede, may naghihintay sakin sa isang shelf ng bookstore na gusto na magpa ampon sakin.:) May isa lang akong tanong sa mga bagay na nabanggit ko. Isang bagay lang pala yan. Anong meron sa hagdan bakit dun nila ginagawa ang mga bagay na yun? Ganito ba sila magkasundo?
Lalake: Honey, labas naman tayo…
Babae: *kinilig* sige labs, saan tayo punta?
Lalake: sa hagdan ng gateway sa may lower ground floor ah.
Babae: sige romantic dun. J

Please lang paki paliwanag… Kung pwede lang naman.
Pasintabi sa mga taong ginagamit ang hagdan ng malls para magpahinga dahil sa malawakang pag sshopping nyo. Patawad… J imbes na bigay nyo na lang yan sa mga nagugutom yang pinag sshopping nyo oy…but I remember, this is a free country, do whatever you want. Even mate at the stairs of gateway mall…J freedom of expression.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...