NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically.
Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila. Ako’y isang super bongga sa ordinaryong citizen, sumasakay ako ng jeep tuwing umaga , halos araw-araw akong nag jjeep except Sunday dahil nag momongha ako ng araw na ito. Sa jeep iba’t ibang tao ang makakasalamuha o makikita mo. Hindi ko masasabing masama o mabuti ang mga taong ito, malay ko ba kung nanaksak si kuya kagabe, yung isa naman nag nenok ng chippy sa tindahan ni Aling Kuratcha, yung isa naman e sinira ang gulong ng kapitbahay. Iba- ibang mukha, Iba-ibang kwento na hindi mo naman alam yung kwento. Unang una sa lahat, siyempre ang mapapansin ko yung mga kapwa ko students. Nursing students muna, iba’t ibang school nakakasabay ko..pero sa totoo lang iba-iba sila ng ichura, yung iba, sabog yung buhok, mag aayos lang yan pag malapit na silang bumaba. Yung iba naman super neat, nakakahiyang masagi kahit konti. Ibang students naman, baka maging nobela to pag inisa isa ko pa e, isa lang naman masasabi ko sa ibang students ee…medyo dirty ichura nila, oo alam kong may pagka bias yung sinabi ko, pero kasi napansin ko yun lalo na sa mga lalaki, ang dumi ng ayos ng buhok, yung suot na uniform hindi maayos, pero ulit syempre hindi lahat, kasi may mga gwapo akong nakakasabay kahit ano pa suot nila..yummy!! Next, ang mga babaing kung magsuot ng skirt e akala mo wala ng bukas, kung makahila naman pag nakaupo na akala mo e kasalanan nung mga makakakita. Eto dilemma dyan e, nagsuot ka ng maiksi, so makikita yang tinatago mo diba?Sinong may kasalanan, yung nag suot ng inappropriate o yung nakakita na sinapian ng ka demonyohan?Pareho siyempre.haha..Anyway, madalas pag umaga ang mga nakakasabay ko sa jeep e yung mga nag ttrabaho sa construction site, sa supermarket, sa mga fastfood, aga ng pasok nila eee..Sad to say, meron din akong mga nakakasabay na mga magulang na may hawak na baby at pupunta sa PGH, o di kaya sa NCH para magpa gamut, ang pinaka nakakalokang nakita ko e, ang laki ng ulo nung bata, at yung isa naman ang laki ng ilong. Nakakaawa na mga babies, mahirap na nga ang buhay, nagkasakit pa sila, tas nauusukan sa jeep. Meron din, ang pinaka intriguing at nakakalokang mga lovers inside the jeepney, eto naman e hindi lang umaga nakikita, all day round yan ever!. Alam naming na in love kayo mga kapatid, hindi rin kami bitter, medyo super lang naman ang pag show nyo ng affection sa each other at hanggang jeep e nag aanuhan kayo diba? Ano na lang sasabihin ng lolo’t loa nyo?Ang kasunod ay ang mga mahilig makinig sa music, medyo dumadami na kasi mga ganito e, different people na, di lang students. Eto yung nag sstomp yung foot nila, nag hheadbang pa minsan yung iba. Sabi sa isang babasahin, magandang nakikinig ng music tuwing umaga, lalo na pag papasok sa school o sa trabaho, kasi nakkondisyon ang sarili na maging maganda ang araw dahil narerelax ang isip kahit nag lalakad, o naghihintay ng masasakyan. Ang ating ginagalang na mga senior citizens ay madalas din nating makasabay sa jeep, siyempre dahil matulungin tayong lahat, pag may sumasakay na mga nakatatanda, inaalalayan natin diba?bait!! Meron akong nakakatawang napansin na isang uri ng pasahero eto yung mga ayaw mag abot ng bayad!!Nako, matamaan na talaga lahat ng malalaki ang katawan, pero naman, nasa jeep kayo, kung ayaw nyo mag abot ng bayad, mag taxi ka na lang pre, para ikaw lang mag aabot ng bayad mo kay kuya driver. Sa kultura ng mga Pilipino ang pag aabot ng bayad ay isang uri na raw ng bayanihan. Kaya yung iba dapat din a nagmama-alat dyan at mag abot ng bayad! Wag maldita/maldito. Kung may mga taong ayaw mag abot ng bayad, may iba naman na hindi nagbabayad!!1-2-3 ang tawag nila dito. Masayang makalibre, pero ang hindi pag babayad sa sinasakyang pampublikong sasakyan ay isang malaking pang gugulang. Kahit masungit si manong driver, paghihirap nya na magmaneho ng maaga hanggang gabi, trabaho nya yun, igalang natin. Ilagay mo sarili mo sa lugar nya, pwede kang magalit sa pasahero sa hindi pag babayad pero kung araw-araw na may ganitong tao, wala kang magawa diba? Ano na lang mararamdaman mo? Konting pag iisip mga kaibigan. Bago matapos ang artikulong ito, meron pa akong isang masasabing uri ng pasahero, ito yung mga galit sa driver pag hindi humihinto agad pag nag para o di kaya yung mga tao na kung maka-katok sa bubong ng jeep e parang matatanggal na. Ang masasabi ko lang, ang jeep gumagalaw yan, kung kunwari e sa 4 blocks mula sa kinaroroonan, magpara ka na bago sa bababaan mo, bigyan mo naman ng chance yung jeep na makabwelo at huminto, wag kang magagalit dahil matagal huminto, dahil alam kong mas magagalit ka pag bigla syang huminto at tumalsik ka sa windshield.
Konting unawa at pag-iisip lang ang kelangan para maging maganda ang araw ng bawat isa satin at maging matiwasay ang pagsakay nating lahat sa ating minamahal na JEEPNEY.:))
6JUNE2010
RV
Comments