Sa araw na ito, nag-expire ang paborito kong peanut butter, kaya di ko na kinain. Anyway, hindi naman tungkol sa paborito kong palaman ang isusulat ko. Tugnkol ito sa naisip ko na naming kalokohan pero para sa akin , ang sa akin lang naman, may sense naman kahit konti. Eto kasi yun, bakit yung mga tinitirhan ng mga president, prime minister, king, queen e dapat palasyo? Hindi ko naman sinasabing tumira sila sa squatters area, ang sa akin lang naman, bakit dapat sobra-sobra sa laki ng bahay nila. Alam ko naman na pag may political leader na galing foreign country, syempre dun sa bonggacious na lugar I eentertain , magmemeeting ever. Diba?
Hindi pa ako nakakapasok sa Malacanang, at sa kahit ano at saaang bahay ng isang politiko. Pero mula sa labas ng kanilang haven ay nakikita ko namang sobrang laki sa loob, at alam ko din na malaki ang garahe nila dahil umuulan ata ng koche pag politico ka. Anyway, balik tayo sa bahay ng presidents, sa Malacanang, alam nating lahat na sa laki nun hindi lang iisa ang kwarto dun diba? Mula sa isang dokumentaryong napanood ko ay may ‘halls’ ang MAlacanang. Tipong ganito ang datingan pre, Victorio hall, Jackie Chan hall, 7eleven hall, Buzz Lightyear hall. Madaming halls yan, yung iba mukha ng museum, iba naman mukhang hotel, may isa pa mukhang library! Sa tingin pa lang, alam mong mamahalin lahat, kulang na lang ginto ang ilagay nila. Naisip ko gumagamit kaya sila ng artificial flowers?palagay ko naman oo. Marble ang sahig, may chandelier, may very very long table na narra at napaka kinis! At isa pa sa mapapansin ay ang mga ubod ng bongga sa laking mga paintings! At alam na nating ubod at bongga din yun sa mahal! May swimming pool kaya sa loob ng Malacanang? Siguro..:) E basketball court? Malamang! E tennis court?billiard room? Sa palagay ko lahat ng room na maisip mo meron yan!. Chaka sa laki nun, hindi uubra ang sampung chambermaids!!Hindi pa kasali ang mga chef na nagluluto ng pagkain ng first family! Isipin mo ilang libo kaya ang electric bill ng malacanang? Saan kinukuha ang bayad sa Meralco, Manila waters at PLDT? May nakalaang pondo ba para dito?
Kung iisipin, napaka sarap ng buhay ng kapamilya ng isang presidente! Ngunit kapalit nito ang walang kasiguraduhan na walang papatay sayo dahil super kilala ka!, Isa pa, napaka raming security nun! Pati canine! Hindi lang pera ang nasasayang, pati energy! Kung sa ganitong lagay, sana hindi naman bongga sa pagka palasyo ang bahay nila, yung tamang building lang. Formal ang lahat. At sana ang pamilya naman, mas nauuna pang lumaki ulo!!Hindi dahil sa palasyo kayo nakatira wag magmalaki!, ang pera nyo ay galing sa mga tao. Konting respeto lang naman at kayo rin naman makikinabang.
Sa puntong to, di ko alam anong point ko, haha. Basta ang gusto ko lang naman, imbes na nag Wwii ang ibang tao sa Malacanang, sana magawan ng paraan na walang magutom, maghirap, at mamatay sa hirap ng buhay. Dahil sa araw-araw na nagpapakasarap kayo, libong tao ang nagdudusa sa hirap at nagugutom. At ang mga manggagawa na nagpapakahirap magtrabaho at magbayad ng buwis tapos ibibili lang ng jar at alahas sa Saudi at bumili ng isa pang palasayo sa L. A. naman!!!Walang kasing kapal ang balat, mas matibay pa sa crocodile skin!
P.S.
Hindi naman ako galit nag eexplain lang ako.:) chaka ang tamang ispeling ng Malacanang ay walang G!.hahaha..alam ko naman para lang with feelings..:)
Comments