Skip to main content

Iba't ibang uri ng Drayber sa Quezon city


Bilang isang mahirap at ordinaryong mamamayan ng Pilipinas, wala kaming pribadong sasakyan, ang aming paraan upang makaratinf sa paroroonan ay sa pamamagitan ng ating makasaysayang jeep! Nagccommute ako, yung kasi gusto ko sabihin.

Isang araw, ordinaryong araw sa aking buhay estudyante ng Trinity University of Asia, ang sinasakyan kong ruta ng jeep ay yung papuntang Quiapo, dadaan ito sa E. Rodriguez,dun ang TUA. Nakasakay nga ako sa jeep diba, at nakikinig sa aking iPod shuffle(may ganun!yung maliit na ipod, kulay green yung akin! Taob!) ng kanta ni Avril Lavigne, ang saktong kanta ay ganito..."I can't hardly breathe, you make me wanna scream, you're so fabulous, you're so good to me..." PEro wala itong koneksyon sa gusto kong sabihin. Napagisip isip ko, habang gumegewang ang jeep na aking sinasakyan dahil sa sobrang bilis ni Manong driver magpatakbo. Bilang isang mamamayan sa siyudad, sanay na akong sumakay sa mga ganitong jeep. Para lang matahimik ang kaluluwa ko sinulat ko na para magtigil.

Iba't ibang uri ang drayber sa Pilipinas, lalong lalo na sa siyudad ng Quezon. May mga drayber na, alas 7 palang ng umaga, grabe na ang init ng ulo, pwede ng pagihawan ng bangus sa init. Bawal ka magreklamo sa kanya, kunyari, kulang sukli mo, bawal na bawal ka magtanong kasi baka makarinig ka ng bintang at pagmumura. Pero kung ikaw yung tipong makikipag away para sa ikatatahimik ng puso't kaluluwa mo dahil kulang ang sukl;i mo, sinasabi ko na sayo, wag ka na magreklamo baka makarating na kayo sa Quiapo di ka pa nya sinusuklian. At kadalasan, mabilis mag patakbo c kuya hayblad.

PEro meron din naman mga drayber na mabilis magpatakbo pero masayahin at mahilg makipag kwentuhan sa katabing pasahero sa harap. Mabait, walng tulak kabigin, pero kaskasero nga lang. Pwede na.

Isa pang drayber na mabilis magmaneho ay si 'dude', siya yung tipong tinutubuan pa lang ng wisdom tooth. Bata pa, mga 19-25 years old. Gwapings, may shades, may sounds ang jeep, at merong 'pull the string to stop' sign. COOL! yun nga lang kala mo lage siyang nasa race track sa bilis nya magmaneho.

Isa pang nakakatuwang uri ng drayber,yung mahilig makipag kwentuhan sa kabilng jeep pag traffic.Ganito ang kadalsang usapan ng mga jeepney drivers pag may nakikitang kakilalang isa pang driver.

D1.: Nakailan ka na?
D2.: Isa pa lang (ang kanilng pasada ang kanilang pinaguusapan)
D1.: ako 2 (isesenyas)
D2.: ........(sumesenyas na din ng kung anong martial arts.)
D1.: ........(umaandar na dahan2)
D2.: .........
D1.: ...........
wala na...para na silang pipi, nagsesenyasan n lang.hindi na traffic at nag move on na sila.

Matapos nila makapag usap tatawa ang isang drayber. aapakan ang accelerator at uunahan ang kakilalang drayber na kani-kanina ay kanyang kausap. pag naunahan na niya tatawa siya pero siyempre titigil din siya baka mapagkamalan na siyang baliw pag hindi siya tumigil diba?


Ang nasakyan kong jeep ngayon, unidentifiable. tahimik, masungit, at kaskaserong drayber. Matindi, Akala mo ride sa Enchanted Kingdom. Naloka nga ang isang babae sa kaharap ko sa upuan at nagkangitian na lang kami habang mahigpit na nakahawak sa rail. Patuloy kong piankinggan ang mga makabayng kanta ni
Avril Lavigne sa aking iPod (oh yeah!). Bumaba akong may ngit sa aking mukha at nagpasalamat na sa wakas nakarating din ako sa TUA. Goodluck na lang sa mga nakasakay pa.

P.S.
Watch out for the next issue, Different kinds of Passengers


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...