Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga.
(kaganapan sa jeep umagang pauwi ako)
Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang)
*abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger*
P: magkanu ba hanggang wilcome?
Driver: unse.
P: subra ka singko.
D: Salamat.
***********************************************************************
Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA.
Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang milyong papel na may mukha ng tao kung dignidad mo naman ang sisirain nito? Aanhin mo ang sandamakmak na makukulay na papel kung madadamay dito ang pamilya mo? Aanhin mo ang dangal mo ay sing halaga na lang ng singko?
Dahil sa seryosong bagay na naisip ko tungkol sa baryang may butas, may isang alaala na sumagi sa aking isipan...(hindi naman konekatdo naisip ko lang bakit?)
B1: Sino ba si Janet Napoles?
B2: Sya yung sa ano...sa...yung sa PIG BARREL ba yun?
B1: ah, PORK BARREL,*agu!
Alak paaaaaaaa!:p

Comments