Skip to main content

ABANGERS IN THE MAKING

"bakit di ko kayang sumulat ng bagay bagay tungkol sa pag-ibig?", tanong ko yan sa sarili sa tuwing bubuksan ko ang blogsite na to. Di ko alam bakit, siguro dahil kahit sa blog ko mismo ayoko ibinyag ang mga sikreto ng aking malusog na puso. hahaha..

Ako na ata ang pinaka-adik na abanger sa balat ng tubig! Patuloy kong inaabangan ang aking mga (fingertips)..daliri ( na lang) kung kaya nya tumipa ng tungkol sa damdamin ko tungkol sa pag-ibig.

****************************************************************************
 ****************************************************************************

Dahil inaasar ako ng isa sa aking mga kaibigan sa daigdig ng internet, gumawa na ako ng isang blog para sa kanya. gniusto mo to!

WARNING: puro imbento ko lang ang lahat.wag kang maniwala.

Bilang isang abanger, marami ang maari mong abangan? Una na sa listahan si Shomba (Hit google and check out who's shomba!*highly recommended*)

Ikalawa, usually ang inaabanga ng bawat abanger ay ang kanilang kras. Pero hindi na natin yan kailangan pag usapan dahil andyan naman si pareng Ramon Bautista para pagliwanagan ang iyong isipan.

Ikatlo,  tayong lahat ay abanger ng masasakyan, lalo na sa oras ng kagipitan (tulad ng taeng tae ka na sa gitna ng masayang inuman, umalis ka at nag abang ka ng taxi,shala!)

Ikaapat, bawat humihingang nilalang sa mundo ay nag aabang ng pinakamasarap na pagkain sa buong Milky Way! LIBRE!:) oh kay sarap ng libreeeeeee!:)

Ikalima, abanger ang bawat Pilipino ng SALE sa mga malls! Lalo na ang mga latest gadgets na ipaglulupasay pa sa mga magulang mabulan lang ng iphone10.1.31 page 62!:0 nakanang!

Ikaanim, minsan nag aabang na lang ako sa utak ko kung ano pang pwede kong isulat e.

Ikapito, kung mag aabang ka lang din ng sasakyan mo, wag sa ilalim ng puno, tapos gabi, leche! maiiputan ka lang. (truely asia sad story)

Ikawalo, kung ikaw ay mainstay cast sa bahay lang, inaabangan nating mga cute na cute na bata ang pasalubong ng ating ermats!..:)

Ikasiyam, tulad kong isang kampon ng kadiliman, inaabangan natin ang antok, minsan kasi snobbish sya kelangan pang suhulan ng umuusok na lucky me pancit canton at pandesal ni mang keropi.sarap!

Ikahuli at kasampu, sa oras na ito, tanging araw na lang ang inaabangan ko para pagalitan ako ng nanay kong pupungas pungas dahil hindi pa ako tulog simula kagabe..:)

BOW!:p

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANAT...buset na ipis!(eepal ka pa bago ko wakasan ultimate blog ko e!)

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...