Skip to main content

ASEXUALITY

Dahil sa panonood ko ng House MD, may isang episode na hindi naman totally about asexuality pero kung nanonood ka ng nasabing show, may naging pasyente si Dr. Wilson na magandang babae na may bladder infection. Sa larangan ng panggamot (ng mga doktor) isa sa mga di dapat kalimutan ng isang healthcare worker ay ang pagkuha ng history (kasaysayan?). Sinabi ni Dr. Wilson na maaring buntis sya kaya mag ppregnancy test sya, ngunit tumanggi ang babae at sinabing hindi sya kailanman mabubuntis dahil di naman sya nakikipagtalik sa kanyang asawa kahit kelan sa sampung taon nilang pagsasama. Tinanong ni Dr. ang dahilan, sabi ng babae: "We kiss, we cuddle...but we don't have sex. I'm asexual and so is he." Kasabay ng pag focus sa reaksyon ni Dr. Wilson, sabi ko na lang ay isang malaking "OH?".
Minsan sa pagaaral ko ng Nursing noon kolehiyo ay paminsan minsang nababanggit ang asexual...reproduction ng mga bacteria. Pero hindi ko ata maalala na may naituro samin na asexuality sa tao. Siguro nakalimutan ko lang, baka sa Psych naituro, pero ulit naisip ko, hindi naman naituro samin ang homosexuality, heterosexuality at asexuality na kasalukuyang tinuturo sakin ng mahiwagang Internet.

Upang magkaroon ng marami pang kaalaman tungkol sa nasabing kondisyon, inirerekomenda ng nakaisip gumawa ng blog tungkol sa mga taong "naka-leave ata ang libido", bisitahin ang website na ito: http://www.asexualityarchive.com/asexuality-misconceptions-and-mistakes/

Ilan sa mga nabanggit sa nasabing website ay ang pagiging asexual daw ay sexual orientation, taliwas sa maaring isipin ng mga tao na isa itong karamdaman. Tulad ng ating mga kumareng beks at shiborboley, ang pagiging asexual ay isang kondisyon na hindi nila pinili. (kumakanta si Lady Gagita sa background...Born this way!) At sabi pa ng mahiwang sumulat ng site na nabanggit sa itaas ay ang asexuality ay hindi kasama sa Identity Crisis. Nga naman mga dre, hindi ka naakit sa kahit anong kasarian saan ka pedeng malito eh hindi ka naman pumili? May point si kuya.

Isa pa! ayon sa matinding paggalugad ko sa Internet, maaring makipagtalik ang mga taong asexual, nga naman sabi nila hindi sila naakit sa ibang nilalang, di naman nila sinabing di sila nakikipag jugs. Nga naman, may point. Minsan ang gulo din noh? (HAYST!)

Minsan sa mga ilang nabasa kong site, galit sila...sa bagay hindi kasi maintindihan ng ibang tao ang bawat kondisyon ng bawat isa, nagkakaroon ng pagkalito at nagsisimula ng mga debate. Hindi nagagamot ang pagiging asexual, masaya sila dyan walang basagan ng trip!

HAHAHAHAHA. Kaugnay sa pag iisip ko ng mga bagay na nabanggit ko na, sabi dun sa site na nilagay ko sa taas, ang hour long medical procedural tv show is not a reliable source. HAHAHAHA natawa ako, kasi napanood ko sya sa tv sumagot ang website na nahanap ko. Totoo nga bang hindi makatotohanan ang nasabi sa HOUSE? Tingin ko naman, bugso lang ng damdamin nung gumawa ng site ang opinyon nya, sa bagay, taliwas sa mga nabanggit ng mahiwagang manunulat at nabanggit ng magandang babae sa show, di daw sya nakikipag jugs sa asawa nya, pero sa totoong buhay chumechever padin naman pala sila. Pero ulit, ang sexual orientation ng tao ay nagkakatugma lamang sa kategoryang kanilang nilikha upang makilala sila ng ibang tao kung ano sila, ngunit katulad ng mga kulay sa bahaghari, iba iba ang tao, meron komportable na walang kachurvahan at meron ding pinili na gawin ang eksena. (This is a free country, walang basagan!)

Ano nga ba ang naganap sa pasyente ni Dr. Wilson? May bladder infection hindi lamang ang magandang babae kundi pati ang asawa nya (na hindi nila nakuha sa jugs), dahil na rin sa matinding pagka interes ni House sa kondisyon ng mag asawa nagsaliksik at tinest ang asawang lalake. May tumor pala sa pituitary gland (sa utak nakatira yung gland) na pumipigil sa desire ng tao makipagtalik o dahil sa kondisyon nyang ito ay bumababa ang kanyang libido.

....Sa gitna ng mga ideyang tumatakbo, umaagos na tila isang talon sa isip ko habang ginagawa ito, naisipan kong tignan ang cellphone ko...matapos pumindot, nawala ang tren ng tots....HAAAY LIFE!

-wakas-

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...