tagal ko na atang di natanong ang aking sarili... bakit walang liver center/institute? diba vital organ din sya? neglected ata ang organ na ire? may philippine heart center, lung center, national kidney institute (may national pa!), orthopedic center...nasan ka liver? bago pa man sumikat si magn larry, sino ang nakaisip na pwedeng ihawin ang bituka ng manok at baboy? bakit di rin natin ihawin ang bituka ng baka? ng eagle..ng alligator? bakit sa bawat balitang show hindi mawawala ang mga "latest" sa mga artista? uunlad ba ang pilipinas pag nalaman nating nagpa botox si gretchen baretto na kelan lang e napanaginipan ko at may sampalan kaming eksena? mawawala ba ang baha sa malabon pag nalaman mong may boypren na si jessica sanchez? magiging 1:1 ba ulit ang dolyar at piso pag nalaman ng buong bayan na buntis na si korina? (huwaaaat?) ewan ko lang ah.. kanino galing ang hinayupak na ideya na pag nasalo mo ang bokey ng bulaklak sa kasal e susunod ka na din ikasal? tsss.. ...
A RECORD OF THOUGHTS. normal stories. bizarre ideas. questions in life, and all this mind can think of.