Skip to main content

THE FAMOUS JACKET AND SHORT SHORTS

Isang araw na maulan at malamig na gabi, papunta kami ni mama at ng aking kapatid sa jollibee, tinanong ako ni mudrakels..." bakit yung mga babae, di ko maintindihan kung nilalamig sila, naka jacket sa pantaas pero naka pekpek shorts. Ano ba talaga?"

Dati di ko naman yun pinapansin, kasi uso naman sa kabataan, at since bata naman ako, wala naman ako nakikitang masama sa attire na ire. Although may point nga naman yung tanong nang aking magiting na ina.
Nilalamig nga ba sila o naiinitan?

Habang ginagawa ko ito, di ko padin alam ano ang sagot sa mahiwagang pagtatakang ito na kasalanan ng aking ina. May mga theories lang ako, siguro dahil cute tignan? siguro'y dahil dahil uso, kaya nakikiuso na din ang iba? Teka, sino ba ang abnormal na nagpasimuno sa kaadikang ito?

Aba, at uso nga pala yun ngayon kasi maulan. Feeling ko, feeling ko lang naman, sumasalamin na ito sa mga "usong" pag uugali ng ating henerasyon ngayon. Magulo.

Contradicting diba? Malamig ang panahon, naka jacket nga pero naka shorts. epekto na din siguro ng media. Nako, may sinisisi na din pala ako ngayon, pero opinyon ko lang naman yun, buti na lang hindi pa martial law, may freedom of expression pa ako..tayong lahat..:)  Media. Kung ano anong pinapakita ng mga artista o mga taong nakikita sa tv at mga print ads na suot nila kahit di naman bagay sa mga tao. Para lang mabili..ewan ko ba bakit paulit ulit na lang ako sa mga sinasabi ko, pero totoo naman kasi. Sino pa kasi ang may malaking impluwensya sa utak ng kabataan? Isipin mo ano bang pinag kakaabalahan ng mga tao ngayon? facebook? twitter? internet! panonood ng tv. anong meron sa tv? hayst..

di naman ako nagmamalinis. may mga napapansin lang..

nagtaka lang naman ako sa tanong ng nanay ko..:)

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...