Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2015

25 na ako...

Sa araw na to, nag uumapaw ang aking kasiyahan. Una,dahil nabuksan ko na ulit 'tong pinakauna kong blog na pinag buhusan ko ng mga hinaing ko tungkol sa pag-aaral ko, sa trqffic sa EDSA, sa pagkairita ko tuwing nababasa ang paa ko sa ulan, at mga bagay na napapansin ko lalong lalo pag nakasakay ako sa kahit anong public transportation. Marami na ang nagbago. Tumatanda na ako, naging maarte na ako, di ko namalayan nahihilig na ako sa mga produktong pampaganda at di ko namamalayan na nalalagasan ako ng pera dahil sa mga produktong pamahid at kung anik anik pa. Dati, hindi ko kinahiligang mag-ayos. Siguro dahil nag 'mamature' ako bilang babae. Bakit utak ko di nagmamature? Mahirap to. hayst. Naging alipin ako ng pag-ibig. Hinamak ang lahat, masunod ka lamang ang arrive ng lola mo. Eh wala, mahal ko eh. Nagpakatanga ng todo, nag mukang aanga anga. Pero wala akong pinag sisihan. Dahil naniniwala ako, 'what is done out of love, only takes place beyond good and evil'.