Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2016

Independent Hearts Day

Netong nakaraang weekend, naging masyadong abala ang mga tao lalo na ang magkakasintahan kung saan sila maglalambuchingan at mag ddate sa araw ng mga puso... Samantala, naging abala din ang mga single sa pagpaplano ng kanilang gagawin upang palipasan ang araw ng mga puso, Dalawang magkaibang sitwasyon sa buhay ng mga tao..At dahil sa isa ako sa mga single na ang ginawa lang eh kumain at matulog,heto ang ilan sa mga napansin kong kaganapan sa aming paglalayag ng aking kapatid sa araw ng kalayaan, ng mga puso pala. Unang una, hindi traffic. Bakit kaya? o sadyang magaling lang ako sa pag chempo ng aking paglabas ng bahay? Dumaan ako sa EDSA, dumaan ako sa Marcos Highway, dumaan ako sa Aurora, dumaan ako sa Kamias, sa Katipunan at kung san san pasikot sikot...walang badtrip na traffic! Isa itong milagro na marapat itala sa ating mga diary, dahil minsan lang ito mangyare sa tana ng ating paghihirap. Ikalawa, ang mga sinehan at jampacked! matindi, akala mo may pila ng libreng big...

Maiksing Hugot

Minsan lang ako makasulat ng matinong konsepto tungkol sa pag-ibig, at sa minsan na yun, maiiksi pa ang kaya kong panindigan. Tulad na lang... Yung pag ibig ko para sa kanya, parang ulan. Pag umulan, pakiramdam mo di na mauubos, minsan malakas, minsan ambon lang. Pero pabalik-balik...mawala man, maya-maya, andyan na naman. Alam mong babalik. Saan nga ba napupunta ang ulan? Parang pag ibig sa taong wala namang balak saluhin ka...babagsak ka na lang kung saan. Masakit nu?