Netong nakaraang weekend, naging masyadong abala ang mga tao lalo na ang magkakasintahan kung saan sila maglalambuchingan at mag ddate sa araw ng mga puso...
Samantala, naging abala din ang mga single sa pagpaplano ng kanilang gagawin upang palipasan ang araw ng mga puso,
Dalawang magkaibang sitwasyon sa buhay ng mga tao..At dahil sa isa ako sa mga single na ang ginawa lang eh kumain at matulog,heto ang ilan sa mga napansin kong kaganapan sa aming paglalayag ng aking kapatid sa araw ng kalayaan, ng mga puso pala.
Unang una, hindi traffic. Bakit kaya? o sadyang magaling lang ako sa pag chempo ng aking paglabas ng bahay? Dumaan ako sa EDSA, dumaan ako sa Marcos Highway, dumaan ako sa Aurora, dumaan ako sa Kamias, sa Katipunan at kung san san pasikot sikot...walang badtrip na traffic! Isa itong milagro na marapat itala sa ating mga diary, dahil minsan lang ito mangyare sa tana ng ating paghihirap. Ikalawa, ang mga sinehan at jampacked! matindi, akala mo may pila ng libreng bigas sa haba ng pila. Siguro dahil showing ang madaming magagandang pelikula, tulad ng Deadpool at How to be single na dapat ay panonoorin namin ni Grace, pero dahil nga sobrang haba ng pila sa ilang mga piling mall na aming dinalaw, eh bumagsak na lang kami sa pagkain ng napakadami dahil sa inis. Wala masyadong roses, chocolates, teddy bears at cheesy things sa mga social media newsfeed ko!! Nagpapasalamat nga ako sa mga santo dahil ganto ang nangyare sa SMN ko, dahil kung hindi baka nag amok ako at bumili ng isang balde ng chokolate at isigaw sa mundo na kaya kong bumili ng madaming madaming chocollaaaaattteeee!! Pero dahil hindi naganap ang masaklap na imahinasyon ko,ako ay parang isang maamong tupa na nakikihalubilo sa mga chakabels na bitter masyado at nagwewelgang wala daw forever!
Ang ilan sa atin, ang tawag sa araw na ito ay Single awareness day, dahil wala silang ka double! Ok lang yun dahil isa itong defense mechanism para tayo ang mabuhay pa ng mas matagal at mas dumami pa ang taon na ating pagiging bitter! Ngayong araw lumalabas ang creative thinking ng mga taong wala magawa kundi mag facebook na lang dahil nga walang ka date. Ang memes ay isa na ngayon sa mga medium na pinipili ng ating mga kaibigan upang ipahiwatig ang bugso ng kanilang damdamin at panibugho ng kanilang mga nagsusumigaw na puso!
Punong puno ang mga kainan, kahit pa anong foodchain, restaurants yan, puno. Pero awa ng mga santo ulit, wala masyadong badvibes, yung isa lang na ate sa likod namin sa Max's. Naiintindihan ka namin ate, ikaw ay HANGRY. gutom lang yan.hahahaha. nagtawag ng manager, hindi sya nilabas, kingina, pati sa ganito may mga paasa na din! Anyway, wag natin pag usapan ang mga paasa, baka maiba ang mood ng kwentuhan, maging madugo pa 'to.
Ilan lang to sa mga napansin ko ngayong nagdaang Feb 14, 2016. Isa sa mga paborito kong araw ng taon dahil andami kong nakikitang pula. :)
Naisulat ko ito dahil nagising ako ng mga alas tres ng madaling araw, nagugutom ako. Ang meron lang na madaling kainin ay cake..tira kagabe sa nagdaang handaan. At dun ko naramdaman na ilang taon na din pala ang dumaan mula nung huli akong nakatanggap ng bulaklak. Wala mang sense kung iisipin dahil malamang wala akong jowabels pano ako makakatanggap diba? Napaisip ako bigla! Tumanda na ako! haha..ayun lang talaga naisip ko, madami nang dumaan na araw ng mga puso, mag isa padin ako, tumatanda! pumapanget...pero yumayaman..sa karanasan! eh kung sa pera ako yumayaman baka di na ako nag iinarte ngayon at ibinili ko na lang sarili ko ng isang buong garden!
wakas.
Comments