Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2016

Utak Paa

Hindi ko mawari, o maarok ng utak kong sobrang nabbwisit kung bakit merong mga utak paa na, may malaking issue sa mga babaeng nagbbreastfeed in public. Anong problema nyo dun? *syempre hindi pa tapos..aalis lang ako sandali, gusto ko ng lumpia! Nagbabalik! pero after isang taon, dahil sa kasalukuyan na tntype ko to January 2 na.so para di naman masyadong nakakagimbal na iwan ko tong huli kong entry sa taong 2016, eh punan ko na din kahit konti pa ulit. So ayun nga,bakit nga ba merong mga shitty human beings na may issue sa mga babaeng nagpapa breastfeed sa public? hindi pa ba to isang normal human activity na tipong alam na ng lahat? tulad ng paghinga..ginagawa mo sa public, pangungulangot, tangina eto ang mas dapat kairitahan eh, lalo na yung pumipitik ng nasundot na freebie sa ilong. Ang pag bbreastfeed ng mga ina kung saan man ay isang bagay na dapat nilang gawin.Gutom ang sanggol, hindi naman maganda ang bottle feeding agad agad sa bata, kaya siguro sabaw yung ibang tao da...

Seryoso ba ako?

Dalawang araw na akong tawa ng tawa,paparating na malamang ang delubyo. Pero dahil unang araw ng buwan ng Disyembre, isisiwalat ko ang nakakapanlumong tanong sakin tuwing nagbibigay ako ng adbays,mapa lablayp man o life coaching style. Ang mahiwagang tanong.."Seryoso ka ba?" Ang mahiwagang sagot: "Mukha bang hindi?" Hindi din kayang arukin ng innocent mind ko kung bakit lagi na lang ang kasunod na rebuttal nila eh ganto.."para kasing ang sarcastic mo magsalita eh". Problema ko ba ito, mga kapatid sa kapanalig? Kelan ko lang din naman na discover na may lahi akong sarcastic. Pero ang hindi ko lubusang maintindihan ay bakit padin ako tinatanong ng opinyon ko sa madaming bagay. Mapa lablayp na hindi din naman nila susundin dahil love is blind, o di kaya,anong gagawin nila sa trabaho nilang nakakamuryot, o di kaya anong irereply nila sa text message na nakakakilig pero ang hirap replayan kasi hahahaha na lang ang huli.  Ang kahindik hi...