Dalawang araw na akong tawa ng tawa,paparating na malamang ang delubyo. Pero dahil unang araw ng buwan ng Disyembre, isisiwalat ko ang nakakapanlumong tanong sakin tuwing nagbibigay ako ng adbays,mapa lablayp man o life coaching style.
Ang mahiwagang tanong.."Seryoso ka ba?"
Ang mahiwagang sagot: "Mukha bang hindi?"
Hindi din kayang arukin ng innocent mind ko kung bakit lagi na lang ang kasunod na rebuttal nila eh ganto.."para kasing ang sarcastic mo magsalita eh".
Problema ko ba ito, mga kapatid sa kapanalig?
Kelan ko lang din naman na discover na may lahi akong sarcastic. Pero ang hindi ko lubusang maintindihan ay bakit padin ako tinatanong ng opinyon ko sa madaming bagay. Mapa lablayp na hindi din naman nila susundin dahil love is blind, o di kaya,anong gagawin nila sa trabaho nilang nakakamuryot, o di kaya anong irereply nila sa text message na nakakakilig pero ang hirap replayan kasi hahahaha na lang ang huli.
Ang kahindik hindik pa dito, pag lablayp ang usapan, tipong iyakan moment na ang friend natin, syempre ccomfort ang lola mo, tapos magsisimula na ako magbigay ng life-changing advices ko. Tatango naman sila,pupungas pungas, sasabihing tama ako. pero pag nag-offer na akong sumayaw for them to make them smile,aba! ako pa talaga ang sarcastic? at di makausap ng maayos?
duh! I made sense when you were shedding tears! :p
..at dahil nawala na naman ang train of thought, dami distractionssss.
to be continued.
..so nag type ako dito kanina, at di na save..so diko na tatapusin to!!leche!
..so nag type ako dito kanina, at di na save..so diko na tatapusin to!!leche!
Comments