Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2012

MATAMIS NA SIMULA AT MAPAIT NA WAKAS

unang una, medyo walang konek ang titulo nitong entry na to sa mga sasabihin ko, ewan ko lang ah, meron naman ata pero konti lang. Eh basta.. kasi habang naliligo ako kanina, naririnig ko ang pinapanood ng napaka giting kong ina, The Buzz. hahaha..talagang sinabi ko na, para masaya, intro palang "ang mga nagbabagang rebelasyon para sa linggong ito! hiwalayang chuva at anek gaano katotoo, boggart nagsalita sa hiwalayan nila ni aling tasing" mga ganyang issues. Jusko, pag nalaman mo yan di ka na magugutom habang buhay, kaya dapat tumutok ka sa mga balitang ito. Kikilig kilig ka pa pag naging maging jowa si mang andres at aling bebang, sweet sweetan pa sila sa camera, ah dahil ata may movie sila kaya ganun. tas pag natapos na yung movie bagong kachuk chakan na naman sa camera. Inuulol lang nila mga tao e. Chaka di hamak na may kaanuhan ang mga artista.. Sa tingin ko lang naman, we live in a free, democratic country, may karapatan ako magsulat ng gusto ko.:) oh ayun nga, mag h...

UNTITLED

Noong unang panahon, niligawan ng lolo ko si lola Ngayon, nililigawan ko si Chona Dati, dinudungaw ng lola si lolo, Samantalang ako, pinagsasaraduhan at hinahabol pa ng bolo... O aking Chona, kelan ka magiging akin? kelan ko masisilayan ang ngiti sa'yong mga labi At hindi lang ismid at irap ang pairalin Sana lumambot ang 'yong puso at pag-ibi ko'y tanggapin. Isang araw, pumunta ako sa bahay ni Chona Tok!tok!tok! Wala atang tao, tok!tok!tok! haaaay..anak ng kabayo! Dala ang chocolate galing Saudi at bulalak ni aling patty ako'y nalugmok at sumigaw... CHONAAAAAA.. "sino yan?" may tao pala... O "Hi Chona!" inabot ang dala-dala, ngumiti ang aking chona Kay sarap, para akong nakahiga sa alapaap tinanggap nya ang mga bulaklak, kasabay nito ang paparating nyang tatay na may dalang itak! O kay sarap maalala ang panahong nakalipas di ko na nakita ang aking mahal na si Chona... Nasa Saudi na pala ang gaga at may kinakasamang bruha! ...

PINASOK NG ULAN ANG UTAK KO

Sa mga huling araw ng Mayo at unang mga araw ng Hunyo, may mga bagay na pumasok sa isip ko kasabay ng pag buhos ng malalakas patak ng ulan sa uhaw na lupa ng Pilipinas. Di ko lubos maisip bakit kelangan ko pa dumaan sa ganitong krisis. May sakit ata ako sa utak. Pero feeling ko normal lang naman to, dahil sa edad kong to, gustong hanapin sino talaga ako, ano ang gusto kong gawin sa buhay, at kung saan ako pupunta. May lisensya ako, anong gagawin ko dito kung wala naman ako mahanap na trabaho sa ospital? Di padin naman ako nawawalan ng pag asa at di rin naman ako nag iisa sa problemang ito, milyon milyon kaming naghihintay, nawawalan ng pag asa, pero pagkatpos ng araw, pinagdarasal padin na merong liwanag sa dulo ng kadiliman. Minsan narinig ko sa radyo, di lang naman pag nnurse ang kaya mong gawin, bakit di mo ituon sa ibang bagay ang mga nalalaman mo, hilig mo para di ka naghihintay ng walang nangyayare.Gusto ko maging manunulat sa kadahilanang, mas kaya kong isulat lahat ng mga sali...