Skip to main content

PINASOK NG ULAN ANG UTAK KO

Sa mga huling araw ng Mayo at unang mga araw ng Hunyo, may mga bagay na pumasok sa isip ko kasabay ng pag buhos ng malalakas patak ng ulan sa uhaw na lupa ng Pilipinas. Di ko lubos maisip bakit kelangan ko pa dumaan sa ganitong krisis. May sakit ata ako sa utak. Pero feeling ko normal lang naman to, dahil sa edad kong to, gustong hanapin sino talaga ako, ano ang gusto kong gawin sa buhay, at kung saan ako pupunta. May lisensya ako, anong gagawin ko dito kung wala naman ako mahanap na trabaho sa ospital? Di padin naman ako nawawalan ng pag asa at di rin naman ako nag iisa sa problemang ito, milyon milyon kaming naghihintay, nawawalan ng pag asa, pero pagkatpos ng araw, pinagdarasal padin na merong liwanag sa dulo ng kadiliman. Minsan narinig ko sa radyo, di lang naman pag nnurse ang kaya mong gawin, bakit di mo ituon sa ibang bagay ang mga nalalaman mo, hilig mo para di ka naghihintay ng walang nangyayare.Gusto ko maging manunulat sa kadahilanang, mas kaya kong isulat lahat ng mga salitang di ko kayang sabihin. bumubuhos ang mga salita, patinig, katinig, pangungusap, pang uri, pang kung ano ano pa sa pamamagitan ng pag sulat. Gusto kong ituon dito oras ko, pero may mga bagay na dapat unahin sa mga panahong to. Mahirap pagsabay sabayin lahat, siguro sinasabi ko lang to kasi nahihirapan ako, pero alam nating lahat na pag gusto may paraan, kayang gawan ng paraan lahat, sa ngayon wala pa akong paraan na naiisip, sinusubukan ko, baby steps. pero wala...failed attempt lagi..

Masyado ko atang sieryoso sarili ko ngayon kaya ganito tong entry ko ngayon, maiba tayo, kahapon bumagyo ng bongga, as in mahangain tas malakas ang ulan, traffic papuntang MOA. ibig sabihin madaming tao na papunta sa nasabing mall. Minsan lang ako nagagawi sa mall na yun, ang layo kasi chaka malaki masyado, parang ang hirap pumunta dun na wala ka naman bibilhin sa sobrang dami ng stores na pagka mahal mahal. Ang pinupunta ko lang dun yung book sale na malaki.hahaha..Kahapon nabagabag ako ng husto, sa mga taong, wala naman akong ginagawa sa kanila pero meron silang guts na awayin ka para sa napakaliit na bagay at hindi naman sila apektado. Di mo naman ma pplease lahat ng tao kaya ok lang naintindihan ko sila at karapatan naman nila yun. Ayoko na lang isipan ng masama yung nangyare, nasaktan lang ako...hhmmm.. ang emote ko talaga ngayon, pero ok lang, may tao namang laging umiintindi sakin..buti na lang adik din sya katulad ko..:)

Tatapusin ko na lang to ng may ngiti sa labi at gumaan ang puso ko sa pakikipag usap sa aking screen at pag type sa keyboard ng aking saloobin sa buhay. Sana bukas kaya ko ng harapin ulit ang lahat, ay kaya ko pala..:) ako pa! payat na ako. tas madaming nag mamahal sakin, sila mas importante..:) wala akong pakealam sa sasabihin ng iba, buhay ko to.:) alam ko anong totoo, alam kong masaya ako, alam kong adik din ako..hahaha..

Buti na lang, umaambon lang ngayon, di masyadong ma drama tong entry!konti lang.hahah..:)

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...