Skip to main content

MATAMIS NA SIMULA AT MAPAIT NA WAKAS

unang una, medyo walang konek ang titulo nitong entry na to sa mga sasabihin ko, ewan ko lang ah, meron naman ata pero konti lang. Eh basta.. kasi habang naliligo ako kanina, naririnig ko ang pinapanood ng napaka giting kong ina, The Buzz. hahaha..talagang sinabi ko na, para masaya, intro palang "ang mga nagbabagang rebelasyon para sa linggong ito! hiwalayang chuva at anek gaano katotoo, boggart nagsalita sa hiwalayan nila ni aling tasing" mga ganyang issues. Jusko, pag nalaman mo yan di ka na magugutom habang buhay, kaya dapat tumutok ka sa mga balitang ito.

Kikilig kilig ka pa pag naging maging jowa si mang andres at aling bebang, sweet sweetan pa sila sa camera, ah dahil ata may movie sila kaya ganun. tas pag natapos na yung movie bagong kachuk chakan na naman sa camera. Inuulol lang nila mga tao e. Chaka di hamak na may kaanuhan ang mga artista.. Sa tingin ko lang naman, we live in a free, democratic country, may karapatan ako magsulat ng gusto ko.:) oh ayun nga, mag hihiwalay si mang andres at aling bebang, bukas ang kachurvahan na ni aling bebang si manong chito tapos si mang andres naman si aling tasing na ang gelpren. At di pinagkait sating mga ordinaryong tao ang chika na ang mga artista ay nag aanuhan kahit mag jowa palang..Tikiman galore te!

Wala naman akong nirereklamo, sinasabi ko lang naman yung mga napapansin ko, parang isang malaking playground ang showbisssss!! nagpapalit palit, naghihiraman ng laruan ang mga bata. Pag nagsawa o di kaya nakaaway ang isa lilipat sa iba para makipag laro ulit. Kung tutuusin, mabibilang mo lang sa kanila ang mga talagang nagtagal at totoong nagmamahalan. Di ko naman sila jnjudge..medyo lang..sinasabi ko lang talaga opinyon ko kahit di mo tinatanong gusto ko mag comment ee.:)

buti nalang sa pilipinas ako nakatira, may mga karapatan padin akong na eenjoy ng walang pumipigil sakin..:) sana wag nila ma discover ang aking sikreto!hahaha

pait paitan kasi wakas na to!

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...