Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2012

PAMILEE

Isang gabi, nagkayayaan ang barkada, Inuman daw sa cubao o sa ayala? Ang layo naman! sa cubao na lang pala Sa kanto nangyare ang lahat, uminom, kumain, nalasing! Kung ikaw ay nalulumbay, tara na upo at may chaser na... Ikwento ang nangyare, iiyak mo tatawa kami Pero sa huli , yakap namin at alak ang magpapagaling, sa puso mong winasak ng iyong kabit... Absolut, baraha, tawa at pagkain yan ata ang bumuo sa amin. Sa isang kwarto, pagkakaibiga'y nabuo, solid parang metal na bato! Ngayong hiwa-hiwalay na, kelan ulit magkikita kita? Siguro pag may anak na ang isa! Wag naman sana! -WAKAS-

SA LAHAT NG MGA SINABI KO...

Habang tumatanda ako sa bawat araw na dumadaan, may mga bagay akong natutunan... May isang araw na dumating, binabasa ko ang mga nauna ko nang naisulat dito sa site na ito, medyo madaming pagtuligsa at mga puna na makikita sa ating bansa. Ngunit, ni minsan di ko man lang nasabi na unang una sa lahat, wala naman talaga akong alam sa mga bagay... Lahat naman ng mga naisulat ko na ay dahil lang sa mga impluwensya ng iba't ibang bagay. Ayoko magmukhang madaming alam kasi wala naman talaga akong alam. Totoo, sa lahat ng mga nailimbag ko na sa pahinang ito, madalas kong banggitin na di ako nagmamalinis, ano nga bang lilinisan ko e hindi pa naman ako nagdudumi ng iba? purong obserbasyon, purong opinyon, purong pagtatanong lamang. Ang hiling ko sa aking pahina ay mga kasagutan na maaring makasagot din sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa. Ang mga bagay na aking mga nasabi ay galing sa iba ibang tao, sa iba't ibang babasahin, iba't ibang panoorin, na sa aking pagiisip...

MATAPOS ANG LAHAT...

ilang beses na akong tinanong nito..." bakit mo binabasa yan?" *hawak ko libro ni lualhati bautista* sa isip ko..bakit masama ba? ang kasunod nilang statement..nung high school daw sila ayun yung ginamit nilang book report sapilitan daw nilang binasa yun...ano bang sinasagot ko sa tanong na yan? "e maganda e" Yun lang.simple..maganda naman kasi talagaaaa..eye opener sabi ko..sabi nila oo daw..napaisip ako.. Madaming inihain na mga katotohanan patungkol sa pamamalakad ng ating gobyerno sa mga libro ni ms. bautista, hindi lamang nakita noon, kundi hanggang ngayon. Alam yan ng mga tao, na may mga "pangyayare" sa gobyerno. pero wala lang..keber..di naman ako apektado. yun naman lagi iniisip natin. hangga't di tayo naapektuhan ayoko makigulo.. ganun kasimple..pero pag may kumanti na satin, sa pag aari natin. giyera na yan..dun lang mag rreact..pero pag ibang tao pa ang naapektuhan.bahala kayo dyan..basta ako pinipikchuran ko mga kinakain ko chak ippost...