Skip to main content

MATAPOS ANG LAHAT...

ilang beses na akong tinanong nito..." bakit mo binabasa yan?" *hawak ko libro ni lualhati bautista*
sa isip ko..bakit masama ba? ang kasunod nilang statement..nung high school daw sila ayun yung ginamit nilang book report sapilitan daw nilang binasa yun...ano bang sinasagot ko sa tanong na yan? "e maganda e"

Yun lang.simple..maganda naman kasi talagaaaa..eye opener sabi ko..sabi nila oo daw..napaisip ako..
Madaming inihain na mga katotohanan patungkol sa pamamalakad ng ating gobyerno sa mga libro ni ms. bautista, hindi lamang nakita noon, kundi hanggang ngayon. Alam yan ng mga tao, na may mga "pangyayare" sa gobyerno. pero wala lang..keber..di naman ako apektado. yun naman lagi iniisip natin. hangga't di tayo naapektuhan ayoko makigulo.. ganun kasimple..pero pag may kumanti na satin, sa pag aari natin. giyera na yan..dun lang mag rreact..pero pag ibang tao pa ang naapektuhan.bahala kayo dyan..basta ako pinipikchuran ko mga kinakain ko chak ippost ko sa peysbuk!

Paulit ulit ako..di naman ako nag mamalinis..pero kelan kaya tayo kikilos para matigil ang korapsyon at pang aapi ng mga nakakatataas sa mga walang malay at walang kalaban laban nating mga kababayan. Hanggang kelan magugutom si juan dela cruz?

hanggang bukas na lang sana..para alam mo na, busog na tayo pare pareho..pero ulit may bahid padin akong pangamba na, ang inaasam nating utopia ay sa panaginip na lang natin makita..pero ulit sa kabilang banda..siguro naman di natin maikakaila na kahit paunti unti meron naman magandang nangyayare sa paligid natin ngayon..ngunit subalit datapwat!!di padin natin maiiwasan isipin na kahit pa papel na ang ginagamit nating sa mga grocery ay di mo padin makakalimutan na dahil sa kapabayaan ng mga pulitiko na gamitin sa tama ang pondo ng bayan, madami padin ang nangangamatay sa mga panahong umuulan at bumabaha..

Kahit pa sabihin natin matalino ang pumalit na chief justice, mababawasan na ba ang mga nagugutom? at mababawasan ba ang mga nassentensyahan ng kamatayan o habambuhay na pagkabilanggong mga inosente? sabihin nating nasa yellow lane na ang mga city buses ngayon, mababawasan na ba ang mga korap na pulitiko? nasa tamang paglagyan na ba ang mga pork barrel ng mga pulitiko?

tapos na ako magsalita..sabvi pa ng isa kong kaibigan..."friend..tingin ko malapit ka na maging rebelde.."
hhmmm...di pa naman..di ko pa naman nakikita sarili kong maging cast ng dekada '70 ee..hahaha..

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...