Skip to main content

SA LAHAT NG MGA SINABI KO...

Habang tumatanda ako sa bawat araw na dumadaan, may mga bagay akong natutunan... May isang araw na dumating, binabasa ko ang mga nauna ko nang naisulat dito sa site na ito, medyo madaming pagtuligsa at mga puna na makikita sa ating bansa. Ngunit, ni minsan di ko man lang nasabi na unang una sa lahat, wala naman talaga akong alam sa mga bagay... Lahat naman ng mga naisulat ko na ay dahil lang sa mga impluwensya ng iba't ibang bagay. Ayoko magmukhang madaming alam kasi wala naman talaga akong alam.

Totoo, sa lahat ng mga nailimbag ko na sa pahinang ito, madalas kong banggitin na di ako nagmamalinis, ano nga bang lilinisan ko e hindi pa naman ako nagdudumi ng iba? purong obserbasyon, purong opinyon, purong pagtatanong lamang. Ang hiling ko sa aking pahina ay mga kasagutan na maaring makasagot din sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa.

Ang mga bagay na aking mga nasabi ay galing sa iba ibang tao, sa iba't ibang babasahin, iba't ibang panoorin, na sa aking pagiisip nagkaroon lamang ako ng mga konspetong naiba sa mga nauna. Di ko ninais na manggaya, sino ba naman ang taong gusto angkinin ang mga bagay na di sa kanya, lalo pa't mga bagay na galing sa imahinasyon ng iba. Inspirasyon sila sa mga kinamulatan kong mga adhikain na aking isinasabuhay ngayon.

Isa pa lamang ito sa mga natutunan ko sa taong ito. Malapit na naman matapos ang 2012. Ano pa nga ba ang maaring magbago?

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...