Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2013

Meron akong kwento...

Sa oras na di alam ang iinumin para makatulog, ikaw na lang kakausapin ko keyboard..Tipakssss!Imbentong malupet sa oras na nakakinip! Ang kwentong ito ay sumasalamin sa buhay ng isang novice nurse... ERASE. hindi pala to kwento...ano nga ba...sanaysay..magsasalaysay lang ako saglet.. Isang araw sa buhay ni...(isip pangalan) Wasabi (walang basagan!yun flavor ng kinakain kong chuchirya ngayon!) na isang nurse na kakakuha palang ng lisensya sa PRC, mainit init pa sa wallet nya, nag apply sya sa isang pribadong ospital sa may Sta. Mesa...(fast forward) natanggap sya ay pumirma ng kontrata na papasok sya ng 5 araw sa isang linggo at 8 oras sa loob ng isang araw.Nasa kontrata. Excited si Wasabi sa unang araw ng kanyang pag dduty...Dala ang kanyang bag, laman ang baby calculator, konting kodigo sa mga formulas ng pagkkompyut ng gamot at iv fluids, bandage scissors, at makukulay na ballpen, tinahak ni Wasabi ang kahabaan ng Aurora Blvd hanggang makarating sa V.Mapa. Pak!sakay ng jeep,

ANO NANGYARE???

Marso na, bakit wala man lang akong nailagay sa nakaraang dalawang buwan? Akala ko ba ginagawa mo to para umayos ang utak mo? Ewan ko din..Magulo.Masalimuot ang utak. Di alam saan, paano, bakit, ano ba dapat unahin? Diyos.Pamilya. Una-unahan lang yan..:) Naalala ko, nagliwanag, may tumawag sa pangalan ko...bakit? E kakain na daw pala... Mahirap ipilit ang bagay na di naman para sayo, pero pano mo naman malalaman na hindi pala para sayo ang naturang bagay kung di mo pa naman pala nasusubukan... Takot. Saan? Hindi ko alam, bakit at saan...Fear of the unknown kung baga...Wala naman daapt katakutan kasi wala ka pa naman ginagawa. Bakit di mo muna kaya subukan bago ka matakot? Ano ba ang nakakatakot? Multo? Di ka naman papatayin nun, pwede sa nerbyos...Bata ka pa, ekisan ang naunang ideya... Takot sa sasabihin ng iba... Bakit matatakot? E pede ka naman rumesbak? Masama yun... Sino nagsabi? Konsensya mo?Sino ba konsensya mo?Ikaw lang din naman nagsabi nun... Bakit di m