Sa oras na di alam ang iinumin para makatulog, ikaw na lang kakausapin ko keyboard..Tipakssss!Imbentong malupet sa oras na nakakinip!
Ang kwentong ito ay sumasalamin sa buhay ng isang novice nurse...
ERASE. hindi pala to kwento...ano nga ba...sanaysay..magsasalaysay lang ako saglet..
Isang araw sa buhay ni...(isip pangalan) Wasabi (walang basagan!yun flavor ng kinakain kong chuchirya ngayon!) na isang nurse na kakakuha palang ng lisensya sa PRC, mainit init pa sa wallet nya, nag apply sya sa isang pribadong ospital sa may Sta. Mesa...(fast forward) natanggap sya ay pumirma ng kontrata na papasok sya ng 5 araw sa isang linggo at 8 oras sa loob ng isang araw.Nasa kontrata.
Excited si Wasabi sa unang araw ng kanyang pag dduty...Dala ang kanyang bag, laman ang baby calculator, konting kodigo sa mga formulas ng pagkkompyut ng gamot at iv fluids, bandage scissors, at makukulay na ballpen, tinahak ni Wasabi ang kahabaan ng Aurora Blvd hanggang makarating sa V.Mapa. Pak!sakay ng jeep, 'Bayad po, (abot ng katabi), Salamat" TUGS!TUGS!TUGS!. kasabay ng maingay na sounds ng patok jeepney ang kalabog ng puso nya sa kaba. "PARA kuyaaaaaa!" baba ng jeep.. lakad."good morning kuya guard!" magalang..:)
Akyat sa hagdan.
"GOOD MORNING po." matinis na pagbati ni Wasabi sa nurse na nakaupo sa station habang nag ccharting. Hinitay nya ang sagot ng nurse, deadma.
Sapul! unang araw. Unang ismid ng nakatataas na nurse sa ward na pagttrabahuhan mo ng anim na buwan...
Hinga ng malalim. 'Anong itatanong ko sa kanya??,' tanong ni Wasabi sa kanyang kinakabahang dibdib.
"Ma'am, ako po si Wasabi, bago po akong nurse, sabi po ni Ma'am Belinda sa HR dumirecho na po ako dito hintayin ko na lang daw po sya", nauutal pa nyang sabi.
"Ah, probee ka?" tanong ni Madame Minchin sa nangangatog ng baguhan.
"O-Opo ma'am.."
Katahimikan.May silya sa gilid, nakita ito ng nangangawit na si Wasabi. 'Di naman ako pinaupo, bat kasi ang aga kooooo" tingin sa orasan. 5:23am para sa duty na 6am.
Early bird, early kaba...:)
++++habang iniisip ang mga susunod na detalye..naisip ko..kaya ko bang ibulalas sa pahinang ito ang mga bagay na gusto kong sabihin ng walang matatapakang tao? Tama ba na sabihing...hindi lang sa Estados Unidos laganap ang bullying?..oops!! napapaisip ako..:( Pero di ako natatakot...wala pa kasi akong sinasabi,,hahaha
..to be continued...

Comments