Skip to main content

ANO NANGYARE???

Marso na, bakit wala man lang akong nailagay sa nakaraang dalawang buwan? Akala ko ba ginagawa mo to para umayos ang utak mo?

Ewan ko din..Magulo.Masalimuot ang utak. Di alam saan, paano, bakit, ano ba dapat unahin?

Diyos.Pamilya.
Una-unahan lang yan..:) Naalala ko, nagliwanag, may tumawag sa pangalan ko...bakit?

E kakain na daw pala...
Mahirap ipilit ang bagay na di naman para sayo, pero pano mo naman malalaman na hindi pala para sayo ang naturang bagay kung di mo pa naman pala nasusubukan...

Takot.
Saan? Hindi ko alam, bakit at saan...Fear of the unknown kung baga...Wala naman daapt katakutan kasi wala ka pa naman ginagawa.

Bakit di mo muna kaya subukan bago ka matakot?

Ano ba ang nakakatakot?
Multo? Di ka naman papatayin nun, pwede sa nerbyos...Bata ka pa, ekisan ang naunang ideya...
Takot sa sasabihin ng iba...
Bakit matatakot? E pede ka naman rumesbak?
Masama yun...
Sino nagsabi?
Konsensya mo?Sino ba konsensya mo?Ikaw lang din naman nagsabi nun...
Bakit di mo subukang sabihing tama lang yun, matira matibay...
Tignan natin hanggang saan aabot ang tapang at pagpupursigi...
Kailangan mo ng panlalait ng iba upang makabuo ng isang obra na manggagaling sa kaibuturan ng iyong emosyon...

Parang buntong hininga na huhugutin mo pa sa ilalim para makapag sabing 'hay salamat, nahulog din sa inidoro ang masamang hangin'.

Magulo, makipot,maalinsangan...Summer na...

Comments

Popular posts from this blog

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...