Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2016

Ang dubsmash at ang pang alien na musical.ly

Dati sabi ko mukang ewan yung mga nag ddusbmash... Nung sinubukan ko sya, ako na yung mukang ewan. Nung gumawa ako ng clips, sinend ko sa nanay ko, at dahil nanay ko yun malamang sasabihin nya na ang galing ko. Nung sinabi nyang ang galing ko, feeling ko nasa commercial ako gng Bona kid! ang batang may laban! Syempre dahil sinabihan ako ng nanay ko na ang galing ko, gumawa pa ako ng mas madami. Nung una, paisa isa lang nagagawa ko, kalaunan, naging compilation na! Nakakatuwa lang kasi madami akong naiirita at napapasayang mga kaibigan. Yung mga nabbwisit at di daw nila magets bakit ako nag ddubsmash, muntik ko na sila iunfriend isa isa. Kung ayaw nyo ng videos ko wag nyo panoorin!this is a free country, di ko naman sinabing panoorin nyo. hahaha.  Nung lumabas ang musical.ly...mas pang abnormal sya! Dahil, kung ikukumpara mo sa dubsmash na sasabayan mo lang yung mga audio clip,ang musical.ly, irerecord mo sya ng napakabagal. Yung audio clip, super slow 1863486324304 times the normal

Usaping Forever

Sa di malaman na kadahilanan, nauso ang salitang forever. Sa henerasyon ngayon, ang salitang ito ay may kaakibat na iba't ibang emosyon, depende sa kung sino ang nagsasalita at ano ang estado ng lovelife nya. So alam mo na, kung may jowabels yan, sisigaw yan ng 'MAY FOREVER', kung wala naman, juskolorde! buong sambayanang Pilipino ang makakarinig at makakatikim ng bitterness sa pagsambit ng 'DI AKO NANINIWALA SA FOREVER! WALANG GANUN! LIFETIME PWEDE PA'. Madami akong kilala sa dalawang katergorya na nabanggit. Iba't ibang interpretasyon at iba't ibang emosyon ang makikita sa pagsabi mo palang kung meron bang forever. Nais kong gawing thesis sana ang puno't dulo kung bakit nagkaron ng libo-libong konotasyon ang salitang ito. Ano nga ba ang sanhi kung bakit naging bahagi na ito ng ating araw araw na pakikipagtalastasan. Bilang isang babae na zero ang lovelife, naniniwala ako sa forever. Sabi ni kumareng dictionary sa google, ang ibig sabihin n