Skip to main content

Ang dubsmash at ang pang alien na musical.ly

Dati sabi ko mukang ewan yung mga nag ddusbmash... Nung sinubukan ko sya, ako na yung mukang ewan. Nung gumawa ako ng clips, sinend ko sa nanay ko, at dahil nanay ko yun malamang sasabihin nya na ang galing ko. Nung sinabi nyang ang galing ko, feeling ko nasa commercial ako gng Bona kid! ang batang may laban! Syempre dahil sinabihan ako ng nanay ko na ang galing ko, gumawa pa ako ng mas madami. Nung una, paisa isa lang nagagawa ko, kalaunan, naging compilation na! Nakakatuwa lang kasi madami akong naiirita at napapasayang mga kaibigan. Yung mga nabbwisit at di daw nila magets bakit ako nag ddubsmash, muntik ko na sila iunfriend isa isa. Kung ayaw nyo ng videos ko wag nyo panoorin!this is a free country, di ko naman sinabing panoorin nyo. hahaha. 

Nung lumabas ang musical.ly...mas pang abnormal sya! Dahil, kung ikukumpara mo sa dubsmash na sasabayan mo lang yung mga audio clip,ang musical.ly, irerecord mo sya ng napakabagal. Yung audio clip, super slow 1863486324304 times the normal speed. get mo? So dahan dahan mo din ibubuka yung bibig mo at dahan dahan ka din mag pproject. Ginawa ang app na ito para sa mga alien. At isa na ako sa mga aliens na gumagamit ng app na ito. 

May kanya kanya naman tayong trip sa buhay, kaya nang tanungin ako ng isang taong di ko naman close sa pinost kong video ng, 'Anong nangyayayre sayo?" aba'y sinagot ko ng "Bakit? ano bang meron?"...ayun tumawa na lang sya..hahaha..naiintindihan ko naman sya.. kasi wala naman nang ibang ginawa yung nilalang na yun kundi mag selfie at i collage ng 32 pieces yung muka nya. tas i sshare pa nya yung sarili nyang pinost.. kung di pa naman nakaka hayblad yung babaeng yun. 

Yun lang naman talaga yung gusto kong sabihin...na walang karapatan magtanong ang nag ccollage ng selfie bakit ako gumagamit ng musical.ly.:p dahil aminin nya sa hindi, sabay naman talaga ayung buka ng bibig ko sa music! bleh.hahaha.

bitchesa!:p

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...