Skip to main content

Usaping Forever

Sa di malaman na kadahilanan, nauso ang salitang forever. Sa henerasyon ngayon, ang salitang ito ay may kaakibat na iba't ibang emosyon, depende sa kung sino ang nagsasalita at ano ang estado ng lovelife nya. So alam mo na, kung may jowabels yan, sisigaw yan ng 'MAY FOREVER', kung wala naman, juskolorde! buong sambayanang Pilipino ang makakarinig at makakatikim ng bitterness sa pagsambit ng 'DI AKO NANINIWALA SA FOREVER! WALANG GANUN! LIFETIME PWEDE PA'.

Madami akong kilala sa dalawang katergorya na nabanggit. Iba't ibang interpretasyon at iba't ibang emosyon ang makikita sa pagsabi mo palang kung meron bang forever.

Nais kong gawing thesis sana ang puno't dulo kung bakit nagkaron ng libo-libong konotasyon ang salitang ito. Ano nga ba ang sanhi kung bakit naging bahagi na ito ng ating araw araw na pakikipagtalastasan.

Bilang isang babae na zero ang lovelife, naniniwala ako sa forever. Sabi ni kumareng dictionary sa google, ang ibig sabihin ng salitang ito ay,"for all future time; for always". Para sa future na walang katapusan! Sushal1 pareho pala kami mag isipnung dictionary! char. sa totoo lang masasabi ko lang na ang isang bagay ay forever kapag wala ka nang magagawa na andyan na yan. Parang mother nature, wala ka nang magagawa na andyan na sya kahit nung di ka pa man sinisilang sa mundong ibabaw. Kahit yung organismong sanhi ng tigyawat mahihiya na di pa sya uso, eh may mother nature nang tinatawag. Ganun. di mo alam kelan nagsimula, at hindi mo rin alam kung kelan sya matatapos. Walang hanggan. forever. :) 

Madalas maging kapartner ng salitang forever ang love. Marahil ang forever kasi ay parang love, di mo maintindihan, di mo rin alam san 'to hinuhugot, kung sa tadyang ba ni Adan? Malay natin, kaya pala babaero ang mga lalake at sinasabi nilang madami silang mahal dahil sa kanila ito hinugot. Sa panahon ngayon, ang salitang love ay parang chiklet na lang kasi, tatlo dos. ay shet piso isa na pala! one fifty pag flat tops.

Sa gulo ng mga sinasabi ko, di ko alam san ako patungo, siguro dahil di ko maintindihan anong sinusulat kaya parang wala tong katapusan. Basta lang kasi yung kwento bakit ko to sinulat, dumadami na ang bilang ng mga taong sinasabihan ako na mas naniniwala daw sila sa lifetime kesa sa forever. Ano nga ba ang pinag iba nila?

Para sakin kasi mas superficial ang lifetime in a sense that it will not transcend the life after death. Lifetime kasi pang habambuhay, so ibig sabihin, habang buhay lang. It will only pertain to things the eyes can see and not those invisible to them. Ang forever, parang sinabi ni dictionary kanina, for always. It can go beyond the physical realm, infinite.

Ganun ang love, ang faith. ayan siguro ang composition ng forever..Faith and Love. Ok pakinggan nu..Kasi when you truly love someone, it will not just exist in this temporary world we live in.It will surpass and conquer anything. Although, we can't see love, we believe in it, that's faith. Parang paniniwala lang na may Diyos. Di mo naman nakikita pero naniniwala ka, at nararamdaman mo yung force. At dahil ang mga ito ay di mo naman kayang lubos na maintindihan, di kayang iexplain ng siyenya o di kaya i interpret ang mga ito sa pamamagitan ng algebraic expression o kaya chemical formula. Kaya merong forever!

"Hindi ko kayang sabihin hanggang kailan kita mamahalin, pero sana wag mong gamitin ang aking pagmamahal upang saktan mo ako ng paulit-ulit.
Kahit di ko maintindihan bakit nagmamahal ang tao,maging bahagi na sana ng buhay natin ang paniniwala na ang pag-ibig para sa isa't isa ay dapat walang hanggan."


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...