Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2017

Pag-ibig na Paulit ulit

Bakit sa bawat araw na dumadaan, naiisip padin kita? Bakit sa pagpatak ng ulan, alaala mo ang laging nasa isipan? Mahirap nga bang kalimutan,ang isang taong lumisan nang hindi nagpaalam? Hindi ko alam saan sisimulan, na iparating ang bawat salita, ang mga panibugho at pag aalinlangan. Iniibig kita ng paulit-ulit. Umiikot at sumisingit. Tila walang sulok o wakas, sa pangungusap na 'ikaw padin ang iniibig'  Hindi ko kayang ipagsigawan sa mundo, na ikaw padin ang sinisinta, dahil wala namang nabuong tayo, at dati, ang salitang 'tayo' ay pilit itinago. Ako ang may problema, ako ang pilit humihila papalapit,  ng mga alaalang dapat matagal nang winaglit. Ngayong, wala nang pag-asa maiparating ang pag-ibig na aking kinikimkim.. paano ko nga ba patatahimikin ang kaluluwang pilit kang hinihiling? Paano nga ba ibaon sa limot ang detalye na parang naganap lang kahapon? Bakit ba kailangan ko pang malaman, na hindi talaga ako ang sayo'y nakata...

Weight Lang, Bilog na ako..

Para sa mga taong kilala ako, simula pa nung nasa sinapupunan ako, payat talaga akong nilalang. Hindi tabain. Nasubukan ko lang tumaba nung review days ko bago mag board exam. Ilang buwan lang yun actually..una, broken hearted kasi ako non, depressed ako at nasstress ako sa boardexam..baka di ako pumasa.:p So lahat ng meals ko sa buong araw, may kanin. Kulang na nga lang, iulam ko na yung sago't gulaman na peburit ko non. Pagkatapos non, may pananampalataya ako na isa ako sa mga pinagpala ng Maykapal na di tumataba kahit kain ng kain. Tumataba ako..yung chan ko pala. Pero pag tumigil ako sa pagkain ng kanin, bumabalik sa 26 ang waistline ko. Matapos ang ilang taon, ang 26 inch waistline ay isa na lang guniguni ng aking masayang kahapon. Medyo wala ata 'to konek sa totoong intensyon ng isusulat ko. Eto kasi yung history. Bilang isang beach enthusiast..(enthusiast talaga?) ulit. Bilang isang nilalang na mahilig tumambay sa sheeeeshore, sinimulan ko ang taong to na nas beach....

Ang Alamat ng Aking Pagbbake

Hindi ko masyadong matandaan ang eksaktong araw kung kelan ako nagsimulang magbake..pero ang natatandaan ko ay ang mga eksenang gusto ko isumpa sino nakaimbento ng oven, dahil lahat ng pinapasok ko sa oven namin ay lumalabas ng hubad ang dignidad. Yung itatanong mo na lang,'pagkain ba talaga 'to bago sinalang sa apoy?' Ilang taon, siguro mga...1,2, 3, 4, 5..well 2 yrs on and off trying hard ako! Hanggang isang araw, di ko alam anong dahon ang nadikdik ng nanay ko at nagyaya ng baking bonding, isang maaraw na Sabado. Ang goal: pandesal at churros. :) Ang ganda ng simula..galing pa namin mag halo ng harina, asukal, baking soda at kung ano ano pa! Moment of trutttttthsss, nilagay na namin sa baking pan ang pandesal na inaasam. Isa sa mga nakakainis sa baking ay ang paghihintay. Tipong naligawan na ng langgam ang kapitbahay nilang kabayo, di pa tapos yung bnbake mo. Nkakainip. TTTIIIINNNGGG! Tapos na! paglabas...well, sabihin na lang natin na mas gusto ko na lan...