Bakit sa bawat araw na dumadaan, naiisip padin kita?
Bakit sa pagpatak ng ulan, alaala mo ang laging nasa isipan?
Mahirap nga bang kalimutan,ang isang taong lumisan nang hindi nagpaalam?
Hindi ko alam saan sisimulan, na iparating ang bawat salita,
ang mga panibugho at pag aalinlangan.
Iniibig kita ng paulit-ulit. Umiikot at sumisingit.
Tila walang sulok o wakas, sa pangungusap na 'ikaw padin ang iniibig'
Hindi ko kayang ipagsigawan sa mundo, na ikaw padin ang sinisinta,
dahil wala namang nabuong tayo, at dati, ang salitang 'tayo' ay pilit itinago.
Ako ang may problema, ako ang pilit humihila papalapit,
ng mga alaalang dapat matagal nang winaglit.
Ngayong, wala nang pag-asa maiparating ang pag-ibig na aking kinikimkim..
paano ko nga ba patatahimikin ang kaluluwang pilit kang hinihiling?
Paano nga ba ibaon sa limot ang detalye na parang naganap lang kahapon?
Bakit ba kailangan ko pang malaman, na hindi talaga ako ang sayo'y nakatakda?
Kailangan pa bang durugin ang natitirang pag-asa,
na balang araw, muli ika'w mahahagkan at ako'y hihimukin mong papalit sa yong mga bisig?
Marahil, ito ang araw na marapat nang iisangtabi,
ang damdamin na dapat ay ikinubli,
na dapat ipinaubaya ko na lamang sa alimpuyo at ingay ng kuliglig.
Marahil,ito na ang huli, na ako'y iiyak pang muli..
sapagkat ang puso mo'y iba naman talaga ang hinuhuni.
Nasaktan ako.
Nasasaktan ako.
At masasaktan padin ako sa bawat saglit, dahil
wala ng bukas na iyong mababatid na ang sinisigaw ng puso ko ay pag-ibig na paulit ulit.
Comments
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.