Hindi ko masyadong matandaan ang eksaktong araw kung kelan ako nagsimulang magbake..pero ang natatandaan ko ay ang mga eksenang gusto ko isumpa sino nakaimbento ng oven, dahil lahat ng pinapasok ko sa oven namin ay lumalabas ng hubad ang dignidad. Yung itatanong mo na lang,'pagkain ba talaga 'to bago sinalang sa apoy?'
Ilang taon, siguro mga...1,2, 3, 4, 5..well 2 yrs on and off trying hard ako! Hanggang isang araw, di ko alam anong dahon ang nadikdik ng nanay ko at nagyaya ng baking bonding, isang maaraw na Sabado. Ang goal: pandesal at churros. :)
Ang ganda ng simula..galing pa namin mag halo ng harina, asukal, baking soda at kung ano ano pa! Moment of trutttttthsss, nilagay na namin sa baking pan ang pandesal na inaasam. Isa sa mga nakakainis sa baking ay ang paghihintay. Tipong naligawan na ng langgam ang kapitbahay nilang kabayo, di pa tapos yung bnbake mo. Nkakainip.
TTTIIIINNNGGG!
Tapos na! paglabas...well, sabihin na lang natin na mas gusto ko na lang mahalin ang aking ina bilang mapagmahal sya at maalaga. Ngunit, subalit, datapwat, ang pagbbake ay isa sa mga kahinaang dapat hindi na natin binibisita o knkumusta. Mag retiro na sana ang pagkahumaling sya sa baking.Ewan ko kung guni-guni lang nya yung sabi nyang nag work sya sa panaderya dati. Yung churros, wag nyo na itanong, mas kalunos lunos lang yon. Sana kumain na lang ako ng confectionairs sugar.
Ito ang huling beses na kasama ko si mama mag bake. At ang huling beses na di ako pinagbigyan ng oven.
Matapos ang ilang buwan..Nag ccrave ako sa cookies na chewy, hindi matigas,hindi crunchy o crispy, ayoko ng mala chips delight o chips ahoy na blue. Mahal yung pula na chips ahoy, so tiis si ate nyo. Naisipan kong mag bake, dahil sabi ni mama subukan ko daw meron syang harina, asukal at chocolate na pwedeng gamitin sa cookies! Nag research ako..mga hapday ako nag research at nanood sa youtube school of witchcrafy and wizardry paano mag bake ng pangdayong cookies! Medyo nag ipon na din ako ng lakas ng loob para kung sakaling hindi na naman ako pagbigyan ng tadhana, hindi ako luluha sa sinayang kong asukal.
Sinunod ko bawat sukat ng ingredients, walang mintis! Sakto lahat! Ginoogle ko pa pano mag convert ng Farenheit to Celsius! Eto na! ipapasok ko na sa oven! shhheeeeettt!!! Gutom na ako wala pa ang cookies kong pinakaasam asam! dugo't pawis ko to so kahit anong mangyare, kakainin ko!!!
TTIIIINNGGGGG!!! (hindi talaga ganto tunog ng oven namin, actually walang tunog, trip ko lang yan)
Paglabas ng baking pan..palamigin ng 5 mins daw..excited na ako! so pinindot ko..malambooooot!
woooooh! patience..hinintay ko pa ng ilang segundo. Kinuha ko..inilapat sa bibig, kumagat.
.................
.....
.....
.............
.......
....
...
..
.
.
SHHIIIIIITTTT! I'm a scientist of cookies! ansarap! cookies na may dignidad! Chocolate chip cookies na chewy! Muntik ako magpasalamat sa lahat ng santo at lamang lupa..kung kilala ko lang sana sila. Pero napa TYL na lang ako at napapikit!
Im a legit baker meeehhn! and the rest is history...:)
Ngayon, bnbenta ko na ang mga cookies na bnbake ko, medyo may ilan ilan na din akong alam na flavors na pwedeng pagpilian ng aking magiliw na consumers. Marunong na din ako gumawa ng muffins. Eto di ko pa masyado naperfect, may mga araw na sing tigas ng utak ko yung muffins pag lumipas ang isang araw,minsan naman nagtatagal na malambot..Marunong na din ako gumawa ng ilang tinapay..well di ko pa kaya ang tasty!hahaha.legit panadera na ako pag ganon.:)
Kelan ko lang ulit naalala, na nugn college ako, pangarap ko magkaron ng bakery..yung local bakery na dinadayo ng mga pupungas pungas na mamamayang Pilipino para bumili ng pandesal na agahan. At ang gusto kong sumikat na tinapay ko eh ang rainbow pandesal ko.
Kaya ngayon, kahit sobra akong pagod, pag may orders ako ng cookies and muffins, hinding hindi ko ipinapagmamaya na, dahil pakiramdam ko, bawat yummyness na lalabas sa oven, eh one step closer na ako sa pangarap kong rainbow bakery..:)
Ano bang tagalog ng baking???
Comments