Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2012

TANONGTONGTONG

bakit laging pinapalitan ang mga pipes, sinisira ang maayos na kalsada para palitan???maayos pa sila....pero yung mga sira, lubak lubak.di naman nila inaayos..utak nasa kilikili.:/ pft.

ANG P0.50 SA ATING PAMASAHE

Ngayon ay March 21, 2012.. Ngayon naging epektibo ang pagtaas ng pamasahe sa jeep ng P0.50. Kanina sumakay akong jeep, 8.50 na nga, bakit masama ba itry?malay mo kasi di totoo. Joke lang may pinuntahan ako kaya ako nag jeep syempre sayang ang eyt piptee nuh aaksaya ba ako nun?maygaaaas!! what kind of excuse is that my friend?:) Anyway high way, ate charo ako ay sumulat upang sabihin ang bago kong natuklasan sa panonood ng tv. Meron, actually madaming matututunan sa tv kung hindi laging myx at mtv ang pinapanood mo. Minsan nakaka bobo din kasi kung laging si spongebob pinapanood mo kaya minsan nanonood din ako ng ibang channels. Parang ANC kanina, ang mga guest, si Mr. Martin, president eng Pasang Masda at Ms. Medina, nakalimutan ko saan syang head, basta may national committee. Basta yun nay un, ang importante maihatid ko sa aking blog ang mga sinabi nila. Ang sama ko, di ako reliable? Reliable ako!napanood ko kaya to sa tv, nakalimutan ko lang kung anong organization sya, kumakatawa...

BLOOPERS :p

Sa tatlong buwan na aking inilagi sa starlight...2 buwan dun ay ang mga panahong kumportable na ako makipag usap sa mga canadians na may sapi rin..:) Ganito ang account na aking ginagalawan... directory assistance yun.tatawag yung canadian, magsasabi sya ng lugar/business o ng tao o sangay ng gobyerno na gusto nilang tawagan, ibibigay ko yung number. tapos na ang usapan. Ganun lang kasimple. Pero kung minsan, ang simpleng bagay na ito ay nahahaluan ng katangahan, ay medyo harsh yung word palitan natin...Nahahaluan ng di paggamit ng utak pa minsan minsan..pinahaba ko lang pero parang ganun din e. Basta. Masaya sya alalahanin, mga kapalpakan ko at ang mga weird comments ng mga canadians..:) Nung bago pa lang ako may matandang babae na tumawag, dahil medyo mahirap hanapin ang listing na kanyang hinahanap at medyo kelangan ko pang gumamit ng magic para lang pagbigyan sya na meron ngang ganung listing e salita sya ng salita habang ako ay na ffrustrate... di ko alam kung natuwa sya sa mga...

STARRY STARRY NIGHT

Last year...Pinaka nakakalokang taon para sakin...Pero pinaka memorable din. Dun ko napatunayan na pag meant to be ang isang bagay, walang mangyayare sa mundo kundi mapasayo lahat ng para sayo..:) Kung hindi naman, it takes a lot of courage to face the world again and smile to accommodate better things.Tinuruan ako nung taong 2011 yung essence ng patience, at ang reward ng hard work. ang sarap lang sa pakiramdam. Tama naging registered nurse ako, nakuha ko ang lisensya ko nung november, pero pagkatapos nun wala naman na nangyare sakin e, wala naman trabahong naghihintay sakin. Madaming nangyareng di maganda last year, pero lahat naman diba may kapalit? Nagka trabaho ako, sa call center. ayoko na sabihin na "call center nga lang". Kasi madami syang naitulong sakin. Madami akong natutunan. Unang una, masasabi kong nakaya ko ng makipag usp sa tao ng may kasamang confidence? Gamitin ang lenggwaheng di ko naman gusto gamitin pero kelangan, at mahalin kung ano ang binigay sakin. ...

TANONGTONGTONG

Dahil nababaliw na ako at madami akong naiisip tuwing ako'y nag iisa at nagmamasid sa ating minamahal na Pilipinas, may bago akong ilalagay sa maliit na mundong aking ginagalawan...ang portion na ito ay tanongtongtong..:)) nasa title naman diba?wala lang..ilalagay ko lang yung mga random thoughts ko, or t\random na tanong na nakikita ko sa kapaligiran at sa labas ng ating Earth!:)) Para simulan natin ang panibagong yugto ng ating kabaliwan..May tanong ako..:) Dati usong uso ang mga telephone booth sa kung saan saan, yung hinuhulugan ng barya..Bakit ngayon wala na?Nasan na sila?mahirap na ba ang PLDT ngayon?e ang bayantel?bakit di nila subukan mag lagay ng telephone booth?curious lang..:)