Skip to main content

BLOOPERS :p

Sa tatlong buwan na aking inilagi sa starlight...2 buwan dun ay ang mga panahong kumportable na ako makipag usap sa mga canadians na may sapi rin..:) Ganito ang account na aking ginagalawan...
directory assistance yun.tatawag yung canadian, magsasabi sya ng lugar/business o ng tao o sangay ng gobyerno na gusto nilang tawagan, ibibigay ko yung number. tapos na ang usapan. Ganun lang kasimple. Pero kung minsan, ang simpleng bagay na ito ay nahahaluan ng katangahan, ay medyo harsh yung word palitan natin...Nahahaluan ng di paggamit ng utak pa minsan minsan..pinahaba ko lang pero parang ganun din e. Basta. Masaya sya alalahanin, mga kapalpakan ko at ang mga weird comments ng mga canadians..:)

Nung bago pa lang ako may matandang babae na tumawag, dahil medyo mahirap hanapin ang listing na kanyang hinahanap at medyo kelangan ko pang gumamit ng magic para lang pagbigyan sya na meron ngang ganung listing e salita sya ng salita habang ako ay na ffrustrate... di ko alam kung natuwa sya sa mga sinasabi kong progress reports o dahil natutuwa lang talaga sya sa sarili nya..bigla syang kumanta ng di ko sigurado kung ano, pero tunog national anthem ng canada. natawa ako ng walang sisidlan, nakalimutan ko na pindutin ang mute. narinig nya palang tumatawa ako, at nagtawanan na lang kami..bawal yun!!!

Sa mundong ito, di padin maiiwasan ang racism. May mga callers na magtatanong muna, "are you in the Philippines?" sasagot ako "yes sir" (usually lalake ganto e). Tas mag hhang up. napaka...wala..rest in pieces na lang.hayst.

Ang aming account ay naka base sa Pilipinas, at India at Canada. Pero ang mga nasa canada ay french speaking. ano bang problema nila. Eto tanong nila "you're in the philippines? and are you sure you're working with a canadian database? how does that work? philippines is too far. you can't do that job right if you're in the philippines". bakit ayaw nila maniwala? E streets nila kakaiba naman sa streets natin dito? may dundas ba dito? may mckenzie drive?blue jays? caterpillar road? E kaabnormalan nga streets nila e.buti pa satin. sapang bato, batunbakal, mahinhin, mayumi, maarte...
nakerid away lang..:) sana maging butterfly na ang caterpillar road.. para umasenso ang kalyeng yun.:)

Sa canada, legal ang escort service. Nnung mga panahong pang umaga ako, at gabi sa canada, may isang shift ako na kalahati ata ng volume ng calls na natanggap ko ay escort service. Mga lalakeng malalaki ang boses, ang papasok sa isip mo e mga bouncer type yung lake nila, nakaupo sa kanilang sofa, bukas ang tv, pawisan.oops..restricted.18 years old lang pwede.o yun nga. tas pag tumawag sila ang hina ng boses nila pabulong, tas syempre kelangan maging professional, pag di nila alam yung pangalan talaga magbibigay ako ng choices...victorian hotties, angels. mga ganyan! at meron pa asian cuties...reaction ko..i mute ko na lang..:)

Sa kabutihang palad, may mga canadians na tanggap ang mga pilipino na nagbibigay sa kanila ng mga numero, magtatanong yan habang nag ttype ako, "so how's the weather in the Philippines now?"
ako: (dahil gabi at nasa aircon ako) it's cold right now..
caller: oh yea? i heard it's getting warm out there already..
ako: ahm. yes.sometimes.
caller: nice! like how many degrees?
ako: (malay ko sa degrees!!!) like 29 degrees
caller: oh goodness!that's hot!
ako: we have the listing...wala na di ko na sya pinansin..haha..tas di matatapos ang gabi, may tatawag ulit ganun din ang tanong, bang degrees na naman sasabihin ko34 degrees naman..naniniwala naman sila e.bayaan mo na..:)

Humihingi ako ng paumanhin sa mga boss ko pero dahil di naman nila ako nakikita at wala na ako sa kumpanyang yun ay ok lang yan.hahaha. Pero may mga panahon talaga na nakaka baadtrip kausap ang mga canadians.nung umpisa kinakabahan pa ako pag tinawag akong bitch, retarded, crazy, insane, useless. mga ganyan. pero nung mga 2 months na ako, ay binababaan ko na lang.hahaha..tas pag minalas ako, sakin ulit papasok yung tawag nya at galit na sya. pag sinabi nyang ako yung nakausap nya, mag dedeny ako at iibahin ko boses ko.haha

di ka ba maiinis kung yung kausap mo ang hinahanap nya ay SQUIRRELS tas ang maririnig mo sa kanya e skweeels.ganyan nya bigkasin di ka ba mababaliw at nanaisin mo na lang amuyin ang paa mo? haaay.

Eto pa, di ka ba maiinis kung tawanan ang pangalan mo?ganto ang flow ng usapan.
habang ako ay naghahanap ng listing na request ng caller bigla nya akong tinanong..
caller: what's your name?
ako: my name's rv sir.
caller: your name is rv???
di pa man ako nakakasagot humalakhak sya na parang kinikiliti ng sampung ibon!!!
itinigil ko ang paghahanap.
caller: that's a different name!strange.
at patuloy pa syang tumawa..sinabi ko wala yung hinahanap nya kahit meron.:p

Dahil may answering chuva kami bago ma transfer samin yung caller. nakakatawa pag tinanong ka ito..
ako: hi! directory assistance what city please?
caller: (di nagsasalita)
ako: what city please?
caller: oh! are you a live person?
gusto kong sumagot ng noooooo!!

sa lahat ng bagay na to, madami pang nakakatawa at kagila gilalas na usapan sa tatlong buwan kong stay dun..pero naisip ko mas may babaliw pa pala sakin kaya mahal ko na sarili ko..:))

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...