Ngayon ay March 21, 2012.. Ngayon naging epektibo ang pagtaas ng pamasahe sa jeep ng P0.50. Kanina sumakay akong jeep, 8.50 na nga, bakit masama ba itry?malay mo kasi di totoo. Joke lang may pinuntahan ako kaya ako nag jeep syempre sayang ang eyt piptee nuh aaksaya ba ako nun?maygaaaas!! what kind of excuse is that my friend?:)
Anyway high way, ate charo ako ay sumulat upang sabihin ang bago kong natuklasan sa panonood ng tv. Meron, actually madaming matututunan sa tv kung hindi laging myx at mtv ang pinapanood mo. Minsan nakaka bobo din kasi kung laging si spongebob pinapanood mo kaya minsan nanonood din ako ng ibang channels. Parang ANC kanina, ang mga guest, si Mr. Martin, president eng Pasang Masda at Ms. Medina, nakalimutan ko saan syang head, basta may national committee. Basta yun nay un, ang importante maihatid ko sa aking blog ang mga sinabi nila. Ang sama ko, di ako reliable? Reliable ako!napanood ko kaya to sa tv, nakalimutan ko lang kung anong organization sya, kumakatawan sya sa mga tao. Yun sabi nung host.
Pumunta na tayo sa mismong topic natin, in relation to the fare hike today, Mr. Martin said that they never wanted to add burden to the people. What they do just corresponds to the oil price. Teka bakit English? Mahirap yan.
Oh ayun nga kasi, sabi naman ni Ka Obet, nagtataas lang naman sila pag tumaas ang presyo ng krudo, at nag vvolunteer sila na ibaba ang presyo ng pasahe pag bumaba din ang presyo ng krudo. Medyo nabibigyan lang kasi ng masamang impresyon dahil syempre pag umangal ka, usually one sided ang reasoning ng tao, pag naapektuhan sya aalma yan, pero pag hindi syempre wala.
Sabi pa ni Ka Obet, may mga naisip na silang paraan para masolusyunan ang problemang to. Nagbigay sila ng mga proposals sa DOTC na si Mr. Mar Roxas ang secretary para humingi ng tulong nang masimulan ang alam nilang sagot sa problema. PERO! Di pumayag ang gobyerno, bakit kaya?
Unang una, ang tulong pinansyal na hinihingi ng mga transport groups tulad ng Pasang Masda ay hindi hingi. Babayaran nila ito, kumbaga loan nga daw to e, hiram, hindi naman kayo tatakbuhan ng mga yan katulad ng ginagawa nyo sa kanila. Pumunta tayo sa proposals nila. Isa sa mga nabanggit ay ang pag convert ng mga sasakyang gumagamit ng diesel sa LPG. Pangalawa ay ang pag convert ng jeepneys na gumagamit ng gas sa e-jeep, o ang mga jeep na ginagamitan ng electric. Sabi ulit ni Ka Obet, ang laki ng matitipid dito, 75% ang savings. Kumbaga kung 1000 ang usual gastos, magiging 250 na lang! Diba ang galing nilaaaaa. Bakit tinanggihan to ng gobyerno?
Isa pang punto, ang pinagmamalaki nilang Pantawid pasada ay hindi sagot sa pagtaas ng petrolyo. Ano nga bang nagagawa nun?discount?magkano? Tanong nga ng madami, bakit hindi na lang iukol ang pondo na nilagay sa pantawid pasada dun sa mga proposals na binigay ng mga transport groups? Mas marunong pa sila e sila ang may mas nakakaalam, kumbaga ayan na nakahain na sa kanila yung solusyon bakit pa nila tinatanggihan?
Tax. Para may makuha pa sila sa mga tao. Sabi ni Ms. Medina, dapat gobyerno ang nagpapatakbo ng transport system, kasi pag gobyerno ang humawak, walang tax. Malamang di nila hihingan ng tax ang sarili nila. Pinasa nila ang responsibilidad nila para may tax. Sakit sa brain. Wais.
Meron pa!di pa ako tapos, yang mga trains natin. Sabi ni Ms. Medina, lahat ng mga bansang progresibo may world class train system. Kaya pala madaming na stranded sa gitnan ng riles kanina dahil huminto na naman ang MRT. Progresibo Pilipinas! Nice. Kawawa ang mga taong nagbabayad ng buwis, ang mga taong nagpapatakbo ng ating ekonomiya, sila pa ang naarawan, naghihirap maglakad, samantalang yung mga di nagbabayad dyan ng tax, paupo upo na lang, at sumasakay sa mga itim na expedition.
Tapusin ko na kaya to? Bago muna yun, alam mo bang hindi hawak ng LTFRB ang mga tricycles? Local government may hawak dyan, di sila dapat sumunod sa fare hike! Pag nagtaas sila, alam na kung saan napupunta! Pero bago pa matapos ang gabi ititigil ko na to, baka din a ako sikatan ng araw.:)
Comments