Skip to main content

STARRY STARRY NIGHT

Last year...Pinaka nakakalokang taon para sakin...Pero pinaka memorable din. Dun ko napatunayan na pag meant to be ang isang bagay, walang mangyayare sa mundo kundi mapasayo lahat ng para sayo..:) Kung hindi naman, it takes a lot of courage to face the world again and smile to accommodate better things.Tinuruan ako nung taong 2011 yung essence ng patience, at ang reward ng hard work. ang sarap lang sa pakiramdam. Tama naging registered nurse ako, nakuha ko ang lisensya ko nung november, pero pagkatapos nun wala naman na nangyare sakin e, wala naman trabahong naghihintay sakin. Madaming nangyareng di maganda last year, pero lahat naman diba may kapalit? Nagka trabaho ako, sa call center. ayoko na sabihin na "call center nga lang". Kasi madami syang naitulong sakin. Madami akong natutunan.

Unang una, masasabi kong nakaya ko ng makipag usp sa tao ng may kasamang confidence? Gamitin ang lenggwaheng di ko naman gusto gamitin pero kelangan, at mahalin kung ano ang binigay sakin. May mga nakilala din akong bagong mga kaibigan, at bagong kaaway? hhaha..di naman kaaway.sabihin na nating di lahat ng tao kaya kong i please. at hindi naan ako nabuhay para gawin ang mga inaasahan ng lahat ng tao sakin. Dahil di lang naman sila ang kumakain ng kanin araw araw. May mga bagay silang ginawa na masakit, nakaka degrade ng sarili, nakakainis, nakakawala ng bait pero ginawa ko lahat ng paraan para mailabas ko lahat ng bait ko sa ktawan at bigyan sila ng pasensya hanggang sa ikamatay ko na... Wala din naman makukuhang magandang bagay kung makikipag away lang ako..magkaka wrinkles lang ako.:) Kaya wag na lang..Bago natapos ang taon nakilala ko an isang taong di ko naman inasahan na "meant to be" din pala sa buhay ko..cheesy masyado. hahaha..

Nag simula ang 2012 sakin na medyo pangit.haha..Parang mahirap intindihin ang taong to.March na. At kasalukuyang wala akong trabaho. Masaya ako kasi kahit umalis na ko sa una kong trabaho na call center may mga kaibigan padin akong patuloy na nakikipag usap padin, kinukumusta ako, nagsabing andyan lang sila kung kelangan ko ng kausap, nng kaibigan...at ang taong di ko sinadyang ibigin.hahay..ang cheesy ulit?

Nagpapasalamat lang naman ako sa kanya kasi, lahat ng kelangan ko, ng di ko kelangan, ng di ko hiningi binibigay nya..ewan pero naghahanap ata sya ng anak?joke lang..seriously...naramdaman ko ulit na lovable pala ako..hahaha..na kahit ganto ako, meron pading nakakakita na matinong tao ako, may prinsipyo sa buhay at seryoso ako pagdating sa pamilya ko. Tanggap lahat ng kapintasan ko, walang pake sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko, at may mahabaaaaaang patience..:)

cheesy ang entry na to, pero kelangan ko ilabas ang mga saloobin na kinikimkim sa aking puso..haha..

starry starry..maganda ang buwan kagabi...para sayo to..:)

Comments

Popular posts from this blog

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...