Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2012

KUNG MALILIGAW KA...

Sa araw araw na gumigising ako, minsan ko lang naisip na maglagay ng entry dito na yung pang normal na tao lang ang laman, yung tipong masaya ka kasi nakita mo yung crush mo tas bigla kang nahimatay nahiya ka nagising kiniss ka nya namatay ka na ng tuluyan. Mga ganung eksena, babae ako, bata pa naman ako pero di ko alam bakit di ganyan ang mga sinusulat ko...siguro nga talaga meron akong abnormality sa mga neurons ko... Introduction ko pa lang mahaba na, tas wala pang konek sa isusulat ko talaga. Walang basagan ng trip blog ko to e,:) anyway, kagabe, ako ay naka duty sa isang malaking ospital dyan lang sa E.rod. isang napaka pangit na araw sa kin, toxic kung toxic, samahan mo pa ng badtrip na kasama, e kulang na lang ako na lang ang magpa ospital sa inis ko, ang gusto ko na lang ay matapos na ang araw at makipag inuman sa barkada ko. ooopsss!!secret lang yun! 1pm ang out ko DAPAT. pero sa di inaasahan mga pangyayare, 5 na ako natapos. Ayoko na sabihin bakit kasi naiirita na naman ...

TANONGTONGTONG

sa pag aaral mo sa kolehiyo, kilala mo sina carl jung, sigmund freud, erik erikson...ang kanilang mga teorya, mga adhikain sa buhay...pero alam mo ba pano sila namatay???ABANGAN!!:))

PIQUE

Sa mundong ginagalawan ng tao, hindi lahat ng makakasalmuha mo kaya mong pangitiin ng walang halong lait sa utak nya, hangga't humihinga ka at mas mataas padin ang tao sa hayop, hindi maiiwasan ang di pagkakaintindihan. Bilang isang tao.tao ako e bakit ba? di lahat ng biyaya sa mundo nakuha ko, ang pagsasalita ng lenggwaheng banyaga ay hindi kailanman mapapatunayan na isa kang walang alam na tao. May mga tao lang talaga na pag kaya nilang mag salita ng Ingles, pakiramdam nila mas nakakaangat na sila. Di ko ginawa to para depensahan ang sarili ko, medyo siguro, pero kaya kong ipagmalaki na mahal ko ang sarili kong wika. Napansin ko, di lang naman sa sarili kong karanasan to naka base, may mga nakikilala akong tao na makarinig lang ng isang pagkakamali ng kapwa, tawa na agad, sasabihan pang tanga, wow naman chong!!perfect ka perfect? Nasa pilipinas ka, filipino ang wika ng mga ninuno mo, e kung sabihin mong half italian, half dog ka, edi dun ka na lang sa kalahati mong bansa na ...

"KELAN KA PA GANYAN?"

"kelan ka pa naging ganyan?" tinanong ako ng isa sa mga ka trabaho ko... sabi nya, makabayan daw ako, pero sabi ko, "ahm, sakto lang" ayoko naman maging mayabang na sabihin oo, e di naman ako ganun ka aktibo sa pakikialam sa mga bagay na may kinalaman sa ating bansa, madami akong napapansin, pero hanggang sa pag sulat ko lang kaya sabihin ang mga bagay na alam kong pwede maka tulong. minsan naisip ko, tunay ko nga bang minamahal ang pilipinas? tunay nga ba akong nagmamalasakit sa kapwa ko pilipino? ang sagot?ewan ko..pano ko ba malalaman na may katotohanan sa mga sinasabi kong..ako.. madami akong napapansin na mali, madami akong napapansin na kulang, madami akong napapansin na hindi dapat nangyayare pero ayun ang reyalidad ng buhay. kaya kong tumulong sa kapwa ko sa mga paraang alam kong kaya ko, pero sapat ba yun? hindi lahat ng tao pare-pareho ng pag iisip. Madami sa mga makakapangyarihang tao, iba ang takbo ng utak, parang king crab. Kung sino pa yung mga t...

HAPHAZARD

it was a long time ago... morning he came..i found the reason to escape.. from the place i called home.. he needs me now...tomorrow he despise me afternoon we kissed, next day he ignores my existence... night i came, i looked for him everywhere.. he embraced me, and realized my worth... but..before dawn..i died.