"kelan ka pa naging ganyan?" tinanong ako ng isa sa mga ka trabaho ko...
sabi nya, makabayan daw ako, pero sabi ko, "ahm, sakto lang" ayoko naman maging mayabang na sabihin oo, e di naman ako ganun ka aktibo sa pakikialam sa mga bagay na may kinalaman sa ating bansa, madami akong napapansin, pero hanggang sa pag sulat ko lang kaya sabihin ang mga bagay na alam kong pwede maka tulong. minsan naisip ko, tunay ko nga bang minamahal ang pilipinas? tunay nga ba akong nagmamalasakit sa kapwa ko pilipino?
ang sagot?ewan ko..pano ko ba malalaman na may katotohanan sa mga sinasabi kong..ako..
madami akong napapansin na mali, madami akong napapansin na kulang, madami akong napapansin na hindi dapat nangyayare pero ayun ang reyalidad ng buhay. kaya kong tumulong sa kapwa ko sa mga paraang alam kong kaya ko, pero sapat ba yun? hindi lahat ng tao pare-pareho ng pag iisip. Madami sa mga makakapangyarihang tao, iba ang takbo ng utak, parang king crab. Kung sino pa yung mga taong wala sa pwesto at pawang mga sibilyan pa ang may tamang malasakit sa ating bayan.
Wala akong pinag mamalaki.sino ba ako?isang hamak na babae, iniisip ang hinaharap ng magiging mga anak ng aking henerasyon at mga susunod pa. wala namang masama dun diba?
Kelan pa ako ganto? simula ng malaman ko ang ibig sabihin ng PedXing sa mga daan, napansin ko na rin ang kalat sa kalye, pag dura ng mga tao sa kalsada, ang mapanghing urinal ng mga lalake, ang tumataas na bilang ng krimen, ang katiwalian na ginagawa ng pamahalaan, ang mababang kalidad ng edukasyon, ang pag hanga ng mga pilipino sa mga "half pinoy half dog" na mga nakikita sa tv, ang pag boto sa mga taong nasa isang malaking bahay para mapaalis, ang pagmamanipula ng mga tao sa gobyerno sa utak ng mga tao, ang panlilinlang sa mga tao na sila ay hindi magugutom pag sila ang binoto.
Ganto parin ba ako bukas?
Kung magigising pa ako bukas, gusto ko di na ako ganto. Sana kaya ko na maging mas kapaki-pakinabang na nilalang sa mundong ibabaw. Sana may isip na akong makakasagot sa lahat ng aking katanungan, at sana magkaron pa ako ng puso para mahalin pa ang Pilipinas.:)

Comments