Skip to main content

KUNG MALILIGAW KA...

Sa araw araw na gumigising ako, minsan ko lang naisip na maglagay ng entry dito na yung pang normal na tao lang ang laman, yung tipong masaya ka kasi nakita mo yung crush mo tas bigla kang nahimatay nahiya ka nagising kiniss ka nya namatay ka na ng tuluyan. Mga ganung eksena, babae ako, bata pa naman ako pero di ko alam bakit di ganyan ang mga sinusulat ko...siguro nga talaga meron akong abnormality sa mga neurons ko...

Introduction ko pa lang mahaba na, tas wala pang konek sa isusulat ko talaga. Walang basagan ng trip blog ko to e,:) anyway, kagabe, ako ay naka duty sa isang malaking ospital dyan lang sa E.rod. isang napaka pangit na araw sa kin, toxic kung toxic, samahan mo pa ng badtrip na kasama, e kulang na lang ako na lang ang magpa ospital sa inis ko, ang gusto ko na lang ay matapos na ang araw at makipag inuman sa barkada ko. ooopsss!!secret lang yun!

1pm ang out ko DAPAT. pero sa di inaasahan mga pangyayare, 5 na ako natapos. Ayoko na sabihin bakit kasi naiirita na naman ako pag naalala ko..after nun, sinundo na lang ako D, bumili kami ng magic siopao at pumuntang cubao para i meet ang aking college friends.

Dahil sa inis ko buong araw, kawawa naman sya at sya yung inaway away ko on the way...pero dahil mabait sya di nya ako pinapansin at umiidlip sya habang nag rrant lang ako sa jeep. Kawawa naman di pa natutulog, tas nag mamaldita ako...

*talagang ikkwento ko buong nangyare sa isang buo kong araw.

Lakad hanggang isang maliit na mall na pinangalan sa boksingero tas binili ng ayala, dun kami nagpunta para hintayin ang mga importantent delegates ng ating pamahalaan ang akin mga kaibigan. 6 pm na 3 palang kami at so Joy na napaka galing e wala pa, always.consistently in her entire life. late.

Npag desisyunan namin na magpunta na sa bar kung saan pagmamay ari ito ng kapatid ng isa naming friend. kasama na namin si Yousef na napaka fluffy ng hair!i love it! order order. kain kain.kwentuhan kwentuhan.inom inom. usual ginagawa namin.hahaha. dumating si joy.8 na..galing!:))

Mga 10 ok na kami. tapos na kami uminom, umalis na si D, para makapag pahinga pa sya at maaga sya bukas. Uuwi na dapat kami. pero dahil dala ni joy ang kanyang taxi, nagawi kami sa MOA. lakad lakad, at napansin namin na may malaking ferris wheel. May maliit bang ferris wheel?ahaha..at naisipan naming sumakay. Labas pera, bbye pera after 10 mins?hahaha..maganda pag nasa top na!the best!!ang saya saya lang..hahaha..pero nakakabitin. (waaaahhh!!malapit na tayo sa ating kwento!)
after, tumambay pa kami at nag kwentuhan tungkol sa mga amerikano na gustong gusto ng mga...exotic? di naman..pero yun ang term nila. naisip ko..bakit walang amerikana na gusto ng pilipino..diba?may point naman ako ah! naisip ni joy na true love daw pag ang babae mas matangkad sa lalake tas pinakasalan. May sukatan na pala ng true love ngayon. love a shorter person and you find true love. nice one joy!

umambon na. naglakad na kami pabalik sa aming taxi, may nakita kaming grupo ng mgakakaibigan na babae naglalakad sa unahan namin sabi ni mik, kaya daw sila magkakaibigan kasi magkaka height sila. totoong pagkakaibigan. may sukatan na naman!!!height?

sabi namin, e bakit kami, iba iba naman height namin...ibang usapan. hahaha..eto na!naka sakay na kami ulit, pinag uusapan namin sa edsa kami dadaan pauwi, kasi yun naman alam namin, pero sa un ave kami napunta at, nagawi kaming luneta, intramuros, alam ko na ang daan, nakita ko na ang red cross manila chapter. tapos nag right si supan,ok lang mag u turn na lang..nag right sya ulit, at nag paikot, dumilim ang mga daan at nagkaron ng malalaking cargo trucks!!! nagkaron ng mga barong barong na mga bahay sa gilid at di na namin kung nasan kami!!! tanong tanong saan papuntang espana or edsa man lang. liko dito, tanong dun, nakarating kami ng navotas!!!!

Alam mo bang di pa ako nakakarating dun, first time ever in my life! ngayon alam ko na saan ang navotas at alam ko din na di mo makakalimutan na nasa navotas kasi bawat poste dun may nakasulat na navotas.

buti na lang sa lahat ng tulay na aming nadaanan nakarating kami sa monumento!!!!edsa na!!shet!!matapos ang kalbaryo na aming naramdaman dahil akala namin ma ssalvage na kami sa mga madidilim na lugar ng navotas, muntik na kami maka abot ng malabon!

nagpa gas, at nakita ang liwanag sa kadiliman na aming nararamdaman! nasa edsa na kami, napasandal na lang kami at makakauwi na kami ng buhay.:) napaka sarap sa pakiramdam na maka abot sa bahay mo na buo pa ang katawan mo, nakainom, nawalan ng amats, puro hangin ang chan kakatawa...

kung maliligaw ka, siguraduhin mong mga kaibigan mo ang kasama mo, dahil kahit saan ka pa mapunta kung mga kaibigan mo ang kasama, gugustuhin mong maligaw na lang lagi...or ako lang ba yun?:)

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman,