Nang mga nakaraang araw, nakasanayan ko nang manood ng mga Tagalog movies na nakakakilig, pero alam naman natin kung gaano ka predictable ang filipino films.. syempre merong climax na mag hihiwalay yung mga bida, pero mgababalikan din para merong happily ever after sa dulo. Ngayong gabi, ang nasa menu ng panood ko eh 'the Breakup Playlist'. di ko masasabing maganda sya in a sense na bago sya sa panlasa ko, pero pwede na. I'd give it a 7, kasi tumagos sa puso ko at may mga thoughts akong gusto ilagay dito na narealize ko lang din while watching. Sabi ni ate Sarah,''pwede bang mag sorry ka na lang? wag mo na lang akong mahalin, nakakapagod na yang sinasabi mong pagmamahal. nakakapagod ka na mahalin". Aray diba? pero alam natin na kahit pa ilang eksena pa ang dumaan, hindi nya makakalimutan si piolo..mahal padin nya yun kahit sagad sa buto yung sinabi ni kuya mo na 'do me a favor?umalis ka na din sa buhay ko, at pwede ba wag ka nang bumalik'. huda...
A RECORD OF THOUGHTS. normal stories. bizarre ideas. questions in life, and all this mind can think of.