Skip to main content

Kaibigan

Madami kang makikilala sa buhay, may mga taong alam mong mamahalin mo, mga taong magtatagal sa buhay mo dahil alam mong magiging kaibigan mo sila dahil sa napakadaming rason o di kaya maraming darating sa buhay mo para turuan kang bagay na di mo matutunan sa iba..

Masasaktan ka, maliligayahan ka, pero higit sa lahat, matututo ka sa lahat ng mga taong nabanggit.

Sisimulan ko na lang yung kwento ko sa salitang..akala.

Hindi ko kayang simulan 'to ng masaya, kasi alam ko naman sa simula palang na sumugal na ako...minsan di ko alam kung kelangan kong pagsisihan na nasayang yung pagkakaibigan namin nang dahil lang sa akala kong magiging ok ang lahat.

Sinabi ko sa mga kaibigan ko na handa ako kung ano man maging kahihinatnan nang pinili kong desisyon...ang mahalin ang matagal ko nang kaibigan.

Masasabi kong kilala ko na sya ng matagal, alam nya lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, sa sobrang daming inuman na pinagsamahan namin ay naikwento na namin sa isa't isa ang buhay namin simula pagkabata, hanggang sa nagka muwang kami, hanggang sa unang pag-ibig, hanggang sa mga rason ng pag aaway ng kanyang mga magulang. Umabot pa kami sa mga panahong iiyak kami o malulungkot kami dahil sa pagkamatay ng maaga ng kanyang ama. Naikwento ko sa kanya lahat ng mga lalakeng minahal at sinaktan ako... Naikwento ko din sa kanya na ayaw ko na ulit magmahal...dahil masakit. dahil parang walang ginawang lalake para mahalin ako nang hindi ako iiwan.

Sya yung lalakeng bumuo sa akin, na karapat dapat akong mahalin, wala nang dapat hanapin ang kahit sinong lalake. Sya ang tumulong sakin na mabuo ulit ang puso kong winasak lang ng iba't ibang lalake. Tinulungan nya akong maging buo..maging masaya ng ako lang...

Hanggang sa dumating yung panahon na hindi ko alam kung dapat kong sabihin na nagkamali kami..minahal ko sya ng higit pa sa kaibigan, at sinuklian nya rin iyon ng buong pagmamahal. Masayang masaya kami, tila wala nang kaya pang magpabago ng aming pagtitinginan..hanggang sa kinailangan kong umalis. Pinagsisihan kong iniwan ko sya, pinag sisihan kong ako lang din ang gumawa ng paraan para lumayo sya sakin. Masakit sakin lahat. Ganto na lang ba matatapos ang lahat? Hanggang dito na lang ba matatapos ang kwento namin?

Ang gusto ko na lang ngayon...closure. Para kya ko nang tapusin din 'tong blog na 'to sa pangungusap na, kaibigan lang pala kami talaga.

Comments

Anonymous said…
Sigurado ka bang minahal ka nga o baka nag assume ka lang? Cgurado ka bang kilala mo na siya talaga? Baka kase malungkot lang din siya at ikaw ung pansamantalang nagpapasigla sa araw niya. Alamin mo muna kase ndi ung sugod ng sugod kase bandang huli ikaw lang din masasaktan, ung akala mo na meron e wala naman pala sakanya. Sakit dba?

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman,