Skip to main content

Paano ba ang magmahal? (ooops, ibahin natin) paano nga ba masaktan?

Nang mga nakaraang araw, nakasanayan ko nang manood ng mga Tagalog movies na nakakakilig, pero alam naman natin kung gaano ka predictable ang filipino films.. syempre merong climax na mag hihiwalay yung mga bida, pero mgababalikan din para merong happily ever after sa dulo.

Ngayong gabi, ang nasa menu ng panood ko eh 'the Breakup Playlist'. di ko masasabing maganda sya in a sense na bago sya sa panlasa ko, pero pwede na. I'd give it a 7, kasi tumagos sa puso ko at may mga thoughts akong gusto ilagay dito na narealize ko lang din while watching.

Sabi ni ate Sarah,''pwede bang mag sorry ka na lang? wag mo na lang akong mahalin, nakakapagod na yang sinasabi mong pagmamahal. nakakapagod ka na mahalin". Aray diba? pero alam natin na kahit pa ilang eksena pa ang dumaan, hindi nya makakalimutan si piolo..mahal padin nya yun kahit sagad sa buto yung sinabi ni kuya mo na 'do me a favor?umalis ka na din sa buhay ko, at pwede ba wag ka nang bumalik'. hudas amputa!

And that,  ladies and gentlemen, is how to hurt and kill someone you love...with sharp edged words and knife-like stare saying i dont need you in my life. 

bakit ba tayo nasasaktan? Kasi...nagmamahal tayo. 

kapag sinabihan ka ng stranger ng 'ayaw na kitang makita kahit kelan', aba! ikaw pa mismo magpapa lbc sa kanya sa North korea para lang di mo sya makita. Pero pag ang nagsabi nyan eh yung taong mahal na mahal mo na kaya mong iwan lahat para sa kanya, kulang na lang ilibing mo na yung sarili mo sa tae dahil sa sobrang sakit. Ganun lang, pag mahal mo, apektado ka.nasasaktan ka hanggang stem cells.

Nung eksena na after 3 years eh sinabi ni piolo na mahal padin nya si ate sarah,dun ko naformulate yung algebraic expression of love thought ko...at natapos ko ang formula nung kinakausap na ni ate sarah yung isa pang ate na di ko kilala. Naisip ko lang, madalas tayong naguguluhan sa napakaraming bagay tungkol sa pag ibig, lalong lalo na pag nasasaktan tayo, pero kahit anong pag kutkot mo sa utak mo at puso mo, hindi mo mahanap ang sagot. Kahit pa ilang drum ng ice cream at ilang kahon pa ng krispy kreme ang lamunin mo, hindi mo rin naman mahanap yung comfort na kelangan mo. Kusang dumadating yung..pano ko ba masasabi to ng maganda? alam mo yun, kusang dumadating yung panahon na, mapapatulala ka na lang, mararamdaman mo sa puso mo na may kumalas, may buntong hininga, may ginhawa, at masasabi mo yung mga bagay na hindi mo kayang bitawan at pilit iniwasan...na kahit alam mo sa puso mo na mahal mo parin sya, handa ka na magpatawad at pakawalan sya.

Isang napaka gandang example neto? yung time na may lalapit sayong kaibigan o kahit sino pang nilalang na may dalawang mata, isang ilong, isang bibig, may puso at utak...tatanungin ka, 'ang sakit sakit. kakayanin ko ba to?' yung mga tanong na tinanong mo din sa sarili mo nung andun kasa sitwasyon na yun... Minsan dumadating yung mga sagot sa mga panahon na di mo inaasahan, at ikaw mismo ang sasagot sa mga tanong na pilit mong kinamot sa utak mo noon. maiintindihan mo bakit ka nasaktan, at paano ka natutong magmahal ulit.Yung mga katagang, 'alam mo, nung dumaan ako sa ganyan, akala ko hindi ko kaya, akala ko mawawasak na lang lahat ng internal organs ko sa sobrang sakit nung nawala yung mahal ko. pero andito ako sa tabi mo, tinatanong mo kung kaya mo ba yung nagawa ko...wala namang madali pag nasaktan ka eh, bigla mo na lang mararamdaman na hindi ka na nasasaktan...nagmamahal ka na lang", yan ang hudyat na kaya mo nang gumising sa umaga na may ngiti,at matulog sa gabi na wala nang luha.

ganun magmahal pagkatapos masaktan.:) 


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...